Likas sa tao ang kahiligan ang mag alaga ng mga maaamong hayop kagaya na lamang ng pusa.

Kadalasan sa mga ito ay makakasat at maliligalig kaya naman minsan ay mayroon silang nakakatikot o nasasagi na hindi nila alam kung ano ang bagay o nasa loob ng bagay na iyon.

Bilang isang mag- asawa posible pa din na magkaroon ng lihim sa isat isa o privacy kung baga.

Ngunit ang alagang pusa ng mag- asawang ito ay tila bumasag sa sikreto ng mister ng misis na si Bow Kanuengnuch.

Ikinuwento niya sa kaniyang Facebook account ang naging pangyayaring naganap.

Noong nanghihingi daw ng pambayad si Bow sa kaniyang mister para sa gastusin sa bahay, tumanggi daw itong magbigay dahil wala itong pera.

Samantala, sa hindi inaasahan nasagi bigla ng kanilang alagang pusa ang isang kahon sa cabinet.

Nang masagi ito ay nagliparan ang mga perang nasa loob ng kahon. Ito daw ay nasa mahigit 2,000 baht o 3,400 php at karamihan dito ay perang papel na 100 baht.

Hindi naman din nagalit ang misis na si Bow pagkat tiwala pa din siya sa kaniyang asawa nab aka mayroon lamang itong pinag iipunan.

Sa katunayan ay natawa din siya sa nangyari dahil mismong alaga nilang pusa ang makapag papabunyag ng itinatagong yaman ng kaniyang asawa.