Marami ang naeengganyo ngayon pasukin ang pagba-vlog dahil bukod sa nakakalibang na ito ay maari ka pa ditong kumita.

Kaya naman kanya-kanyang gimik ang ginagawa ng mga vlogger at kung ano-anong content ang kanilang binubuo para sa kanilang mga followers at para din umani sila ng maraming views.

Samantala, kung ang iba ay hirap na hirap makakuha ng views kahit maganda ang kanilang content ay may iba naman na hindi mo akalaing mangyayari dahil sa paggawa lang ng simpleng gawain o normal na ginagawa ng isang tao tulad ng pagtulog ay magva-viral at aani ng maraming views na umaabot ng halos dalawang milyon.

Katulad ng isang Malaysian vlogger na noon ay nagviral matapos makakuha din ng million views sa pag video niya sa kanyang sarili ng halos dalawang oras na wala naman ginagawa.

Ngayon naman ay isang FIlipino ang nag viral at umani ng milyong milyong views mula sa mga netizen sa kanyang pag video habang siya ay natutulog.

Siya ay si Marnie Saez mamamayan ng Cavite City hindi niya akalain na ang kanyang simpleng pag video live habang siya ay natutulog ay aani ng million views sa isang magdamag lamang.

Ang naturang video na nag viral ay may nilagyan ni Marnie ng caption na “Time to sleep mga beshy, tara sama kayo” Hindi rin naman akalain ni Marnie na aabot ng 1.8 Million Views ang kanyang video, wala rin naman mag-aakala na ang pag video ng pagtulog ng isang tao ay aabot ng ganito kataas na views.

Kaya namansa naturang video live ng pagtulog ni Marinie ay hindi mawawala ang mga nakakatuwa at mapang-asar na komento na mula sa mga netizen.

May netizen nga na nagsabi na habang nanonood ng video live ni Marnie ay maglabas na ng mga baraha na tila tinutukoy ng netizen na parang sa lamay kailangan ay may baraha.

Ang iba naman ay nagsasabi na, “maglabas na daw ng biskwit at juice para sa mga bisita” na talaga naman ang ibang netizen ay aliw na aliw.

Ayon naman sa interview kay Marnie ng Buzzoks, Pagkatapos niyang makita na maramiang nanood sa kanya habang natutulog siya ay naging masaya dahil kahit papaano pala ay may nag-aalala sa kanya dahil sa mga oras daw na iyon ay sobrang depress siya dahil siya daw ay hiniwalayan ng kanyang 5 taon na live-in partner.

Ngunit marami ang nagsasabi na nagpapaawa lang daw si Marnie para daw makuha ang atensyon ng manonood at makakuha ng maraming views.

Pero para naman kay Marnie ay wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta daw may taong siya ay napapasaya sa pamamagitan ng kanyang video ay masaya na din siya.

Para naman sa mga naghahanap ng video, nasa ibaba ang kabuuang video ni Marni Saez.