Kaya nagiging tanyag ang isang influencer o vlogger ay dahil sa ginagawa at pinapamalas nitong kabutihan ngunit tila ang vlogger/ influencer na si Buknoy ay kabaliktaran sa dapat niyang taglayin na katangian.

Nitong mga nakaraang buwan ay maaalala ang mga kaniyang ginawa at sinabing hindi kaaya aya sa pananaw ng kaniyang mga manunuod kagaya ng pangmamaliit sa mga tricycle driver, paglabas ng hating gabi ng walang face mask at face shield at ang isyu sa kanila ng artistang si Awra.

Muli nanamang nag init ang paningin ng mga netizens kay Buknoy nang mag post ito ng video sa TikTok na kung saan bumaba siya ng sasakyan upang magsayaw at rumampa sa gitna ng kalsada malapit sa tollgate habang kasagsagan ng trapiko.

Umani nanaman ito ng pambabatikos sa mga nakapanood pagkat hindi nga naman tama ang kaniyang ginawa kahit pa nasa gitna ng trapiko.

Madami ang nag komento na netizens na dapat ay maparusahan si Buknoy sa kaniyang mga ginagawang paglabag dahil madami ang nakakapanood sa kaniya lalo na at mga bata pa.

Bilang isang influencer na madami ang nakakapanood, nararapat lamang na mabuti at tamang gawain ang ating ituro at ipakita dahil kung hindi, mali din ang kanilang magagaya.

At bilang mamamayan, nararapat din na sumunod tayo sa mga patakaran upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.