Nakakalungkot isipin na mas tinitingnan ng mga tao ang posisyon mo sa trabaho kaysa sa tagumpay na nakakamit mo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na ang sipag at tiyaga ang ang siyang tunay na tulay sa pagkamit ng mga pangarap.

Naging ispirasyon ang lalaking si Jhay Suarez Tuyor na nag tatrabaho bilang isang waiter mulaz panoong 2004 hanggang 2012.

Sa haba ng panahon na kaniyang ginugol sa pagtatrabaho, sa wakas ay nagbunga na ang lahat ng ito. mula sa kaniyang pagsasakripisyo, sipag, tiyaga, pagtitiis, paghihintay at syempre dahil sa pang mamaliit ng mga taong nasa paligid niya

Hindi naging hadlang kay Jhay ang sinasabi ng iba. Nakapagpatayo siya ng isang eleganteng bahay dahil isa siyang masipag at matiyagang waiter na hindi nagpapatinag sa kung ano mang sabihin ng iba.

Narito ang kaniyang post sa Facebook:

“Waiter ka lang pala?

Isang dekada na din ang nakalipas , daming nagssbi “waiter ka lang pala, oh mag praktis kana mag bugaw ng langaw dito sa hapag kainan”

“Opo , waiter lang po ako. dito sa larangan ng pagiging waiter;

*Dito nagkamali ka humanda ka sa bunganga ng manager mo dapat di ka iiyak ha? Yng tipong ipaparamdam sayo na ikaw na pinaka-tangang tao sa nabuhay sa mundo tapos haharap ka sa guest mo dapat daw naka-smile na parang walang nangyare? eh kaso mainit din ulo ng guest mo kasi nagkamali ka dahil sa bulyaw ng manager mo ? hahaha GOODLUCK!

*waiter, Opo . tatayo ka lang naman ng higit sa walong oras, takbo dun takbo dito. Buhat dun buhat dito, tapos kapag natapunan mo ng tubig ung guest mo naka-lacoste sasabihin sayo, mas mahal pa tong damit ko kesa sayo, paano ngayon to? kulang pa sweldo mo dito.

Oo nga ho pala, sa pagiging waiter ko po ng mahigit walang taon ((2014-2012)) napatayo ko po ung pangarap kong bahay. Yung may malaking garahe at napakalaking kitchen unti unti ho yan.

Bawat sentimo ho ng sweldo ko dyan napupunta simula ho sa tiles sa living area hanggang sa gate ho ng garahe.

Wag kang mapapagod kaibigan, nsa kabilang buhay ang pahinga, habang bata tayo kayod lang ng kayod tapos wag ka magpapatukso sa kung anong meron ung tropa mo, mas masarap nakabili ka na muna ng lalagyan, ngayon may bahay ka na BAHALA KA NA SA TRIP MO, GUSTO MO PUNUIN MO NG SAPATOS YAN, Maniwala ka.

Mas masarap magPAKASARAP sa huli, kesa panay ka pasarap ngayon, ending? walang humpay na kayod..”