Kay sarap nga naman sa pakiramdam na ang iyong ina ay mistulang parang barkada mo lang. Dahil sa napaka close na bonding at young look ng inyong mga mommy ay di na maitatanggi na ito ay para niyo nang barkada o kaibigan lang.

Kapag nga namang todo alaga an gating mga mommy sa kanilang face and figure ng kanilang katawan, talaga nga namang hindi magkakalayo ang itsura ng mga mommy sa iba pang mga kabataan. Kaya naman madami ang nagtataka at magtataka na “Nanay mo ba talaga iyan?”

Pero, nakakatawa at nakakabigla na ang iyong nanay ay pagkamalang iyong kasintahan. Talaga nga namang hindi halata sa nanay na ito na anak niya ang kaniyang kasama sa larawan. Madami ang napag kakamalan silang mag jowa.

Kagaya na lang ni Jonathan Nguyen na 22 years old, lagi daw silang napagkakamalan ng kaniyang ina na nasa 40 years old bilang magkasintahan dahil sa napakabatang mukha at fit na katawan ng kaniyang minamahal na ina.

Maging sa online ay talaga nga namang aakalain ito ng lahat;

“Meet my mom and my best friend”

Marami tuloy ang napapaisip ano ang sikreto ng kaniyang ina. Sinagot naman ito at sinabing proper diet at exercise lang talaga ang kailangan.

Disiplina nga naman sa katawan at sa sarili ang siyang tangin sagot sa pagkakaroon ng magandang katawan at batang itsura

Marami ang nabilib dahil dito. Ang iba ay hindi pa rin makapaniwala. Sadyang napakaganda nga naman ng mommy na ito. Hindi halata ang kaniyang edad.