Karamihan sa atin ay kung ano-ano ginagawa sa sarili para bumata ang itsura. Kanya-kanyang paraan para mapanatiling bata ang katawan hitsura ang iba ay todo gyn at exercise para ma maintain ang bødy figure para manatiling bagets ang katawan nito.

Mayroon naman na umiinom ng mga gamot para sa kanilang youthfool looks at ang iba naman ay talagang gumagastos at pumupunta sa mga cosmetic clinic para ma-maintain ang kanilang magandang mukha at balat.

Samantala, mukang mas epektibo ang ginagawang pagpapabata ng babaeng tampok sa ating kwento.

Dahil makikita sa kanya na parang teenager lang siya kung titignan sa kanyang hitsura. Parang ito ay nasa 20’s lang pero kung tutuusin siya ay 52 years old na.

Ang babaeng tinutukoy sa ating kwento ay si Puspa Dewi na taga Indonesia, si Puspa ay mayroon ng dalawang teenager na anak na lalaki.

Ngunit kapag ito ay nakakasama nila ay parang kapatid lamang niya ito dahil sa hitsura nitong mukang bata. Minsan pa nga daw ay napagkakamalaman ng iba na girlfriend siya ng kanyang anak o kaya naman ay ate siya ng mga ito.

At ayon naman kay Puspa siya ay naniniwala na. “The happier you are, more beautiful you become”.

Ngunit marami naman ang nagtatanong na kung ano ang sikreto ni Puspa para mapanatiling bata ang look.

“Too look young is to keep healthy lifestyle, have a balance diet and regular exercise” pahayag ni Puspa.

Dagdag pa diyan si Puspa ay aktibo rin sa ibat-ibang sports tulad ng badminton at swimming at kada linggo din ay sumasabaj naman siya sa aerobics at zumba classes.

“People say that the older I get. The younger I look, which i think is true, because i am happier now. The children are all grown up and I get to run a business I love. I guess I am just radiating happiness”. Dagdag ni Puspa.

Pero ayon kay Puspa ang higit daw na sikreto kaya napanatiling bata ang itsura ay dahil daw sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga anak at asawa.

At dahil dito ibat-ibang paghanga at komento ang natanggap ni Puspa sa mga netizen.

“Grabe ang ganda niya, para ng nasa 21-25 lang talaga edad niya, parang barkada lang sila tignan ng kanyang anak”.

“Siguro ganyan talaga epekto kapag hindi ka stress sa paligid mo, hindi siguro stress sa anak at asawa”.

“Wow, ang ganda parin talaga niya kahit nasa 50s na siya hindi halata parang dalagang dalaga pa rin”.