Madami sa atin na itinuturing na pamilya na ang kanilang mga alagang hayop kagaya ng aso o pusa at iba pa. Nag sisilbi ito bilang laruan at baby ng pamilya kaya naman alagang alaga sila.

Ngunit sabi ng iba, kagaya ng tao ay mayroon din silang pakiramdam at pakikisama kaya naman nais din nilang magbigay pasasalamat para sa kanilang mga amo sa paraang kaya nila.

Kagaya na lamang ng nag viral na post nito mula sa netizen na si April Jean na ibinahagi niya sa isang Facebook Group na Cats and Kittens Philippines.

Ikinuwento niyang umaga daw noon nang bigla na lamang siyang nasurpresa sa kaniyang alagang pusa na si Kenzie dahil sad ala- dala niitong ayuda bitbit gamit ang kaniyang bibig. Hindi ito pagkain o piraso ng ulam kung hindi ay isang libong pisong pera na kagat kagat niya!

Agad daw siyang napasigaw ng “Hooyyyy kenzie san mo ninakaw to”

Madami naman ang nakita ng kaniyang ibinahaging kwento kaya naman kaniya- kaniya ding komento ang mga cat lovers;

“Bili mo daw cya ng more food pa ang vitamins hehehe”
“Baka nagtatrabaho siya sa gabi may pantustos lang sayo”
“Mine ko na po yung pusa

Eto na ata mag aahon sakin sa kahirapan: “Nag save sya ng pera this pandemic, pang vacation daw saka pambili ng tuna !”