Isang matinding hamon nga naman ang magpapayat lalo na at masarao naman talagang tumikim ng mga pagkain lalo na kapag may selebrasyon o ‘di kaya man ay napapasyal sa iba’t ibang lugar.

Ngunit hindi din maganda ang sobra kaya kinakailangan ding magbawas ng timbang nang sa gayon ay maiwasan ang mga sakit na maidudulot ng labis na katabaan.

May mga taoding ipinanganak na natural na mataba dahil sa kanilang lahi o angkan ngunit dahil sa kanilang pagpupursigi at disiplina, nagagawa nila iyong baguhin at lagpasan.

Kinakailangan din ng suporta at motibasyon upang ikaw ay ganahan at hindi mawalan ng pag-asa.

Nag viral sa social media ang kasunduan ng mag- amang Jeric Paulo De Jesus at Jelaine Paola na kung saan sa loob ng limang buwan ay kinakailangan niyang makabawas ng 11kg kapalit ang tumatagingting na Php10,000 premyo

Makikita sa isang kapirasong papel ang “AGREEMENT” na kung saan nakasaad ang petsa na December 30, 2020 kung kailan ginawa at nagsimula ito.

 

Malinaw ding mababasa ang “Pag pumayat ka, bibigyan kita ng 10,000”.

Ngunit isa itong hamon para kay Jelaine sapagkat may kinakailangan niya itong magawa sa loob ng limang buwan ay bumaba ang kaniyang timbang mula 69kg sa target na 50kg lamang.

See you in 5 months baboom🤣🤣🤣
Mapapasayo kaya ang 10k??
Abangan!!!!

Posted by Jeric Paulo De Jesus on Wednesday, December 30, 2020