Bilang mga magulang, isa sa mga tungkulin nito ay bantayan ang kanilang mga anak pagkat anumang oras ay maaaring dumating ang trahedya at iba pang kapahamakan ng hindi natin inaasahan.

Ngunit kung nasa bahay lamang, hindi maiiwasan na pati ang mga magulang ay malibang dahil sa gadgets.

Kagaya na lamang ng nag viral ang pamilyang ito na kung saan ang dalawang magkapatid ay gumawa ng kalokohan habang abala ang kanilang mga magulang sa panonood sa kanilang cellphone.

Makikitang deretsong nakahiga sa lapag ang bunso nilang anak na tila hinahayaan lamang ng mag- asawang hawak ang cellphone.

Mabuti na lamang at mayroon siyang kapatid na mas nakakatanda sa kaniya upang siya ay libangin.

Ilang sandali pa ay nanguha ng malaking kumot ang kaniyang kuya at itinakip niya ito sa bata. Tinawag ng kaniyang nakatatandang kapatid ang kanilang mga magulang upang kunin ang atensyon nito at panoorin ang kanilang gagawin.

Nagsimula nang gumalaw ng kakaiba ang panganay na anak na tila gumagawa ng isang ritwal o magic.

Labis na pagkagulat ng kanilang magulang nang biglang umangat ang buong katawan ng kanilang bunsong anak

Dali- daling tumayo ang kanilang ama upang buklatin ang kumot at tingnan ang tunay na lagay ng kanilang bunso.

Doon napagtanto na ang bunso ay itinukod lamang ang kaniyang dalawang kamay sa sahig upang maiangat ang kaniyang katawan.

Nakakatawa man ang kwentong ito ngunit dapat pa din natin isaalang alang ang kaligtasan ng mga bata at ituon din ang pansin sa kanila.