Madalas sabihin ng mga magulang ay edukasyon na lamang ang tanging maipamamana nila sa atin pagkat kailan man ay hindi iyon makukuha at mananakaw ng kahit na sino.

Kaya naman maski noon pa man ay iginagapang na ng mga magulang ang pag aaral ng kanilang mga anak.

Sa dinaranas nating pandemya ngayon, mas lalo pang humihirap ang mga sitwasyon. Madami ang naapektuhan maging ang pag- aaral at darating na pasukan.

Naimplementa ang online learning at modular learning na kung saan kinakailangan ng internet at gadgets.

Ngunit paano na lamang ang mga walang kakayanang pamilya? Paano nila pag sasabayin ang pangunahing pangangailangan sa pang- araw araw at dobleng gastusin sap ag- aaral.

Kaya naman ang isang ama na ito na nakilala bilang si Rommel A. Enriquez ng Naga City, Camarines Sur ay nagawang ibarter ang kaniyang natatanging tatlong manok para sa isang android phone na salit- salitang gagamitin ng kaniyang 4 na anak para sa online class.

Makikita sa Facebook Group na Naga City Camarines Sur- Barter Community ang post ni Rommel na;

For barter po: Take all

RFB: NEED PO NG ANAK ANDROID PHONE FOR ONLINE CLASS KAHIT PO SECOND HAND.

PICKup lang po at zone 3 carolina naga city wala po kc pamasahe for meetup.

Saad niya, kahit pa modular learning ang gagamitin ng eskwelahang Carolina Elementary School at Carolina National High School, kinakailangan pa din ng smartphone para sa pakikipag komunika sa mga guro.

Kay buti nga naman ng Diyos at higit pa sa kaniyang hiniling na android phone (second hand) na may kasamang LTE sim ngunit ang natanggap niya ay 2 unit ng smartphone na may kasamang LTE Sim.