Ang Aso talaga ang hayøp na pinaka-malapit sa mga tao, dahil ito ang karaniwang inaalagaan ng marami at halos ituring nga nila itong isa nilang matalik na kaibigan o kaya naman ay kanilang pamilya.

Napatunayan nga yan ng isang lurcher dog sa bansang United Kingdom (UK) na ang aso ay ang pinakamatalik na kaibigan ng tao o kung tawagin ay “dog is a man’s bestfriend” matapos nang nakisimpatya itonsa amo niyang may foot injüry.

Ayon sa binahagi ni Russel Jones noong Januaray 16,2021 sa isang Lurcher Link Rescue Chat na isang Group sa facebook platform ang isang video niya habang kasama ang kanyang alagang aso na si Billy.

Makikita ang kanang paa ni Russel na nakabenga at gumagamit ito ng saklay habang naglalakad.

At mapapansin naman ang kanyang alaga na si Billy na nakataas ang isang paa at paika-ika rin kung lumakad.

Sa panayam naman kay Russel ng isang sikat morning show sa UK, sinabi nito na noong June ng nakaraang taon pa ang video na naging usap-usapan at nung nakaraan niya lang ito na naisipan ibahagi sa social media.

Kuwento ni Russel kaya daw siya ay gumagamit ng saklay ay ng panahon daw na yon ay may sprained ankle siya dahil sa pagkahulog.

Dagdag pa niya, tuwing naglalakad daw siya sa labas kasama ang alagang si Billy ay napapansin niya itong paika-ika kung lumakad kaya dinala daw niya ito sa isang beterinaryo para masuri.

Umabot nga daw ang kanyang ginastos ng £300 o halos P20,000 para sa vet fees, xråy at gakot sa kirot para sa paa ng kanyang alaga.

Ngunit sinabi daw sa kanya ng betérinåryo na wala itong makitang animang diperensya sa paa ng aso at inamin kay Russel na wala na siyang magagawa para kay Billy.

Samantala, tila may napansin naman ang asawa ni Russel na si Michelle ng isang araw ay makita nitong tumatakbo ng normal sa kanilang hardin ang alagang aso na si Billy habang wala si Russel.

At para mapatunayan kung tama ang hinala ni Michelle na walang iniinda sa paa si Billy, sinubukan ni Russel na muling igala ang kanyang alagang aso ngunit sa pagkakataon na ito ay sumakay siya sa Motorsiklo at nakita nga nila na sumusunod ang kanilang alagang aso na naglalakad ng normal.

Kaya naman doon lang nila nalaman na kaya ganoon lumakad ang kanilang aso ay kapag paika-ika rin lumakad ang amo nitong si Russel na tila ginagaya ito.

At sa huling pahayag ni Russel nag iwan niya ang mga katagang ito.

” Cost me £300 in vet fees and X-rays, nothing wrong just sympathy. Love him.”

Tunay nga na nakakamangha ang pagiging tapat at pagmamahal ng mga alagang aso tulad ng asong si Billy dahil ipinakita nito sa kanyang amo na anuman ang mangyari sa kanya ay hindi siya nag-iisa kaya kung anong nararamdaman ng kanyang amo ay ganon din ang mararamdaman niya.

Source: Facebook