Marami ang sa atin ay may mga alagang hayop at ito ay kanilang mahal at tinuturing na pamilya.

Bagama`t hindi nakakapagsalita ang mga ito gaya ng tao ay mayroon din silang pakiramdam at pagmamahal ito ay pinapakita nila sa pagiging tapat nito sa kanyang amo.

Tulad nalang ng kwento ng isang Aso na si Moose isang 3 y/o Labrador mix. Siya ay nanatiling loyal at tapat kahit sa huling sandali ng buhay kanyang amo.

Dahil kahit namayapa ng ang kanyang amo ay nanatiling hinihintay niya ito sa kama nito at umaasa na babalik pa at siya ay aalagaan muli.

Nang ito ay iupload sa social media, bumuhos ang mga netizens na naantig at naawa kay Moose dahil makikita sa larawan na naghihintay si Moose sa kama ng kanyang amo na namayapa at naghihintay.

Umaasa din ang mga netizens na makahanap si Moose ng bagong amo na mamahalin din siya.

Hindi nagtagal ay may kumupkop kay Moose ito ay ang Eleventh Hour Rescue ng Randol New Jersey.

At lumabas din ang kwento ni Moose sa NorthStar Pet Rescue at larawan nito sa social media.

Ayon dito “Please help Moose find a new home and a family for him to love. He`s a happy sweet boy by nature. He just need people to help his heart heal.”

At makalipas lang ang ilang araw ay nag post muli ang NorthStar Pet Rescue: “Moose has been adopted by a wonderful family who willcare for and love him for the rest of his life!”

Sobrang saya naman sa pakiramdam ng malaman na muling may pamilya na ulit si Moose at mamahalin siya at aalagaan tulad ng pagaalaga sa kanya ng dati niyang amo.