Ibinahagi ng netizen na si Glomarie Lising ang bonding moments ng lola niya at alaga nilang aso.

Kwento ni Glomarie, nagkasåkit sa puso ang kanyang lolang si Estelita Cornesta, 86-anyos, noong Setyembre na naging dahilan ng kaniyang pamamayat.

Madalas na katabi ng aso nilang si Kobe ang matanda mula nang nakabalik siya mula sa øspital.

Si Kobe ay isang Aspin na inalagaan ni Lola Estelita noong siya ay malakas pa. Mahilig daw talaga ito sa mga aso kaya hindi lamang si Kobe ang kaniyang inaalagaan kung ‘di maging ang iba pa nilang kinupkop.

 

Siya daw ang nag papakain at nagpapaligo sa mga ito. ginagawa dinnilang libangan ang pakikipaglaro sa isa’t isa sa tuwing nasa bahay lamang.

“Makulit po na aso si Kobe, hilig niya po tumakbo at mag roam around. Pero nung nakita niya agad si Lola ay sumampa agad siya sa kama ni Lola at hinalikan niya po ito, tapos super behave niya.”

Siya na kasi ang nag alaga kay Kobe simula nang magkasåkit ang amo nito. naging malapit ang kanilang loob at itinuring na pamilya ang isa’t isa.

Ngunit nang ma-øspital na nga si Lola Estelita, hindi mapigilang malungkot at mamiss siya ng kaniyang mga alaga.

Iba nga naman kapag pinagbuklod ng tunay na pagmamahalan. Gayun pa man, hiniling naming isama ninyo sa pagdadasal ang kalagayan ni Lola Estelita.