Sa panahon ngayon, madali na ang pag access sa internet maski mga batang nasa murang edad pa lamang ay kayang kayang maningin ng kung ano ano sa social media.

Pagdating sa mga mobile applications, hindi maitatanggi na hindi lamang mga laro ang ginagawang pang entertain o pampalipas oras ngayon.

Isa na diyan ay ang TikTok app. Nito lamang nang nauso ito. Madami ang tumangkilik dahil sa naturang mga features.

Ito ay isang application na kung saan maaari kang sumayaw, kumanta, mag lip- sync o kahit pagkuha lamang ng larawan at video ay pwede.

 

Ngunit ang dalagang ito ay tila nakalimutan na ang kaniyang respeto sa sarili at inisip na lamang ang kagustuhan ng kaniyang viewer na kung saan sinamantala niya ang pag gamit ng naturang app sa isang bagay na hindi naman pupwede para sa lahat ng edad.

Isang Tiktok video ang nag viral na kung saan ang babae ay nag video ng kaniyang sarili habang ang kaniyang suot lamang ay bra at panty hanggang sa sinugod siya ng kaniyang ina upang hulihin at pagalitan.

Ang naturang video ay nagpapaalala sa mga magulang na bantayang mabuti ang ginagawa ng kanilang mga anak pagkat iba na nga ang impluwensya ng social media at gadgets ngayon.

Samantala, madaming netizens ang nadismaya sa mga ginagawa ng kabataan sa kasalukuyan. At sumang ayon na ang mga bata nga ay dapat lubos na bantayan.

Source: Most Trending Ph