Ang lahat ay paniguradong may pinapangarap na sariling tahanan na galing mismo sa kanilang tiyaga, pagod, pawis at dugo na kung saan balang araw ay naniniwala silang magbubunga at maisasakatuparan ang lahat ng ito.

Ngunit hindi maitatanggi na nasa modernong panahon na tayo ngayon kaya naman iba’t ibang desenyo an gating naiisip base sa ating mga nakikita at pagbibigay ng ideya ng iba.

Bagamat ibang iba na ang kasalukuyan sa noon, tunay na nakakabilib an gating mga imahinasyon.

Imahinasyon na maaring gawing katotohanan. Kagaya na lamang ng 11 patong patong na cargo container na ito na ginawang bahay.

Kung ating titingnan tila hindi ito posibleng mangyari. Ngunit napatunayang maaari itong maging komportableng tirahan o opisina.

Ang mga larawan ng four storey house sa Houston, USA ay galing sa Facebook page na Home Junkie na kung saan nagpapakita na isang extra ordinary interior design ang mayroon ang hindi pangkaraniwang cargo house na ito.

Tila napaka-elegante at mamahalin ng mga furnitures, ilaw, paintings at iba pa.

Ayon sa iba, mas makakamura daw dito at hindi takaw oras sa paghahanda. Tanging dapat pagtuunan ng pansin ay ang mga kagamitan at hitsura na nais sa loob.

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang naturang post. Namangha ang madami sa malikhaing imbensyon at ideya ng sinumang nakaisip nito.