Dito sa atin sa Pilipinas maraming ibat-ibang pagkain na ating pinagmamalaki dahil halos lahat ay masarap bukod sa lasa ay abot kaya pa tulad na lang ng mga street foods na sikat sa ating bansa.

Maging mayayaman at kilalang tao ay hinahanap ang mga pagkain na kani-kanilang paborito ito tulad ng mga kwek-kwek (waffle egg), fishball , kikiam, isaw, proven at iba pa.

Ngunit isa sa mga sikat at kilalang pagkain sa ating bansa ang hindi makakalimutan kainin lalo na ng mga dayuhan kapag ito ay natikman ay ang pagkain ng “Balut”.

Ang balut ay mula sa itlog ng bibe o itik na madalas na itinitinda kapag gabi na makikita sa kalsada at iba pang lugar dito sa atin.

Madalas rin sinasabi ng iba na ang balut ay pampalakas daw ng tuhod. Samantala kung usapin balut kamakailan ay naging usap-usapan ang isang balut dahil sa isang kwento ng munting bibe na may alyas na “Cobibe” na kinagiliwan ng maraming netizen.

Ayon sa nagbahagi ng kwento sa social media na si Maria Corina Enriquez Venturanza, Bata palang daw siya ay mahilig na siyang kumaen ng balut.

Kaya naman isang gabi ay bumili siya ng hilaw na itlog na balut at itinabi muna sa isang lugar sa kanilang bahay.

Dahil nga dumaan daw ang løckdøwn sa bansa o “enhance community quårantine” ay nawala sa kanyang isip na may itinabi nga pala siyang hilaw na balut at nakalimutan niyang iluto.

Ngunit isang araw lang daw ay may naririnig siyang ingay o siyap sa kanilang bahay at inakala niya ng una na ito ay isang daga.

At ng kanyang hanapin kung saan nanggaling ang ingay ay natuklasan niyang napisa na pala ang binili niyang hilaw na itlog ng balut at ito ay naging ganap ng itik o bibe.

Kaya naman ito ay pinangalanan niya agad na “Cobibe” hango ang pangalan sa pandemiyang kinahaharap ng bansa at naging buong mundo.

Dahil naman sa pangyayari iyon na ikinuwento ni Maria ay maraming netizen ang natuwa at hindi napigilan magbigay ng reaksyon at komento.

May mga nagsasabi nga na baka daw isang sensyales ito na may pag-asa na darating ang iba naman ay sinasabing alagaan niya ang munting bibe at huwag ipamimigay dahil maaaring may dala itong swerte sa kanila.

Tunay nga na nakakatuwa ang kwento na ito sa kabila ng pandemiya na ating kinahaharap ay mga pangyayari parin talaga na hindi maiiwasan na ang lahat ay matutuwa.

Basta ang mahalaga ay mag-ingat ang lahat at palaging isipin na habang may buhay ay may pag-asa.