Marami tayong nababasa sa mga social media platform na mga pangyayari at kwento na totoong nararanasan ng mga tao.

Ang iba nga kumukuha ng mga larawan upang ipost sa mga social media sites dahil ito ay isa naring paraan para mabasa ng lahat at matulungan ang mga nangangailangan.

May mga kwento rin tayong nababasa na nagbibigay ng aral sa mga taong pabaya na magsumikap at wag sayangin ang mga bagay na mayroon tayo.

Katulad ng isang kwento na ito tungkol sa isang batang estudyante na kung saan ay kumakain kahit na walang ulam, ito ay nagdulot ng lungkot at pagkahabag sa mga netizen.

Naging usap-usapan ang larawan ng batang estudyante na ito sa social media habang kumakain sa loob ng silid aralan dala ang sariling baunan.

Ilang araw lang ang nakalipas simula ng maipost ang larawan na ito at agad itong nagtrending online.

Naantig ang puso ng mga netizen dahil makikita sa larawan na ang batang estudyante ay kumakain ng kanyang baon kahit na walang ulam.

Mapapansin din sa bata na kahit na wala siyang ulam ay bakas sa kanyang mukha na siya ay masaya at hindi alintana kahit pa tanging kanin lang ang kanyang kinakain.

Maraming mga netizen ang humanga sa bata dahil sa kabila ng kawalan niya ng ulam ay magana pa rin itong kumakain at hindi nagrereklamo.

Hinangaan din ng netizen ang bata dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon ay matyaga siyang nag-aaral ng mabuti at marahil kahit hikahos sa buhay ay hindi naging hadlang sa kanyang upang mag-aral.

Sa isang facebook page nga na D30 viral videos and news, naglagay sila ng caption na humihikayat sa mga kabataan na magsumikap sa pag-aaral dahil maraming nga bata sa bansa ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral dahil sa estado ng kanilang buhay at kawalan ng pera.

Narito ang kabuuang post ng Facebook page na D30 Viral and Videos.

“Nakakaantig puso ang batang ito kumakain kahit walang ulam nagrereces din ng walang pera pero mas nakakabilib wala siyang absent sa kanyang pagpasok sa school kaya sa mga kabataan diyan sanay magbigay aral sa inyo ang larawang ito.”

Tunay na kahanga-hanga ang batang eatudyante na ito dahil sa kabila ng kahirapan ay nanatili siyang positibo sa buhay, Sanay maging aral ito sa ibang kabataan na pahalagahan kung anong meron sila ngayon.