Ang okasyon na kasalan ay ang pinaka importante sa babae at lalako at dalawang taong nagmamahal. Ang kasal ay ang isa sa mga hiling ng maraming kababaihan.

Isa din ito sa pinaka-masayang kaganapan na mangyari sa buhay ng mga tao lalong-lalo na sa mga taong nagmamahalan at magkarelasyon.

Ang kasal ay isang sagrado dahil ito ang nagtatali sa babae at lalaki bilang ganap na mag-asawa. Hindi rin ito madalian dahil ito ay kinakailangan ng ilang buwan o taon para ito ay pagpalanuhan.

Ngunit kahit ano pang kasayahan sa kasalan o ano ang maging plano ay hindi parin nito mababago ang nakatakda na mangyayari sa ating buhay gaya na lamang na nangyari sa magkarelasyon na ikinasal na sina Victor at Marjorie.

Ayon sa ulat ng GMA NEWS, Walong taon ng magkasintahan ang ikinasal na sina Victor Banayo at Marjorie Caliza na taga Tiaong, Quezon.

Ginanap ang kasal noong December 26, 2019 Huwebes. Habang ginaganap ang kasal ay siyang pagpanaw ni Marjorie na nagdulot ng kalungkutan sa dapat masayang kasalan.

Si Marjorie ay sumailalim sa operasyon dahil sa kanyang malübhang karåmdaman na inakala ng lahat na magiging maayos ang lagay ni Marjorie.

Ngunit imbis na maging maayos ang kanyang karåmdaman ay lumala pa ito at kumalat sa buong katawan ni marjorie na hindi kinaya ng kanyang katawan.

Dahil sa sama ng kanyang kalagayan ay ipinasok ulit siya sa pagamutan, Naka schedule ang kanilang kasal noong December 26, subalit sa hindi inaasahang pangyayari pumanaw si Marjorie sa gitna ng kanyang kasal.

Ang ikasal ay pangrap ng magkasintahan kaya napag desisyunan nila na kahit anong mangyari ay ikakasal sila.

Dahil sa kagustuhan nilang dalawang magkasintahan ay itinuloy nila ang kasal at agad-agad itong isinagawa noong Disyembre 26, 2019.

Dahil sa sama ng lagay ni Marjorie ay hindi na niya kayang maglakad kaya ang kanyang naging Bridal Car ay ang Ambulansya.

Pagdating niya sa simbahan ay nakahiga si marjorie sa isang stretcher simula pag pasok hanggang sa harap ng altar.

Sa simbahan ay naghihintay ang kanyang mga abay,ninong,ninong at ang lahat ng pamilya ng magkasintahan.

Masaya ang lahat para sa kasalan ng magkasintahan at habang ikinakasal din sila ay mga mga nurse rin na nakaalalay kay Marjorie dahil sa sama ng kalagayan nito.

Marjorie&Victor wedding⛪

Ang pinakamasakit na kasal na nakita ko 😔 sa oras ng kanyang kasal tsaka nalagutan ng hininga…

Posted by May Ann Magnaye Mercado on Thursday, December 26, 2019

Ngunit hindi sa inaasahang pangyayari ay binawian ng buhay si Marjorie sa kalagitnaan ng seremonya.

Itinuloy parin ito ng pari dahil sa kagustuhan ng dalawa na matanggap nila ang sakramento ng kasal na maging isang ganap na mag-asawa.

Pagkatapos ng kasal sa simbahan ay dumaretso sila sa punerarya na dapat ay sa isang masayang pagsasalo.

Malungkot na pangyayari ang nangyari sa kanilang love story. Marami ang netizens na napukaw ang damdamin dahil sa istorya ng magkasintahan na talaga namang kumurot sa ating mga puso.

Isa din itong patunay na ang taong nagmamahal ay walang pinipili na kahit anong mang mangyari ay mananaig parin ang kanilang pagmamahalan.