Hindi maiiwasan sa magkasintahan ang magkaroon ng mga alitan pagkat ayon sa iba, ito daw ang isa sa mga nagpapatatag ng samahan nilang dalawa.

Ngunit sa kabila ng mga pag- aaway at tampuhan, sa simbahan pa din daw matutuloy iyan.

Ngunit sa isang viral na video sa social media tila nakakawa ang bride sa kaniyang sinapit habang sila ay nasa reception ng kanilang kasal ng kaniyang kabiyak.

Panahon iyon ng subukan ng kanilang wedding cake ang bagong kasal.

Naunang sinubuan ng groom ang kaniyang bride. Matapos nito ay ang bride naman ang magsusubo sana ng wedding cake ngunit parang nilalaro laro niya muna ito at hindi agad sinubuan ng cake ang kaniyang asawa.

Marahil napikon ang groom kaya naman hindi ito napigilang sampalin ng malakas ang bride. Kung ating titingnan, hindi makatarungan ang ginawa ng groom sa kaniyang bride lalo na madami ang matang nakatingin at pagkapahiya ang naramdaman ng bride sa harap ng kanilang mga bisita.

Agad namang inawat ang groom ng kanilang mga bisita. Ngunit kung titingnang mabuti, habang hawak hawak ng bride ang kaniyang pisnge, makikitang hindi lamang noong araw na iyon ginawa ang pananakit kung hindi naulit- ulit pa iyon ng maraming beses.

Gayun pa man, wala namang inilahad na paliwanag sa kung ano ang kwento sa likod ng sakitang ito.