Karaniwang nakikita natin na kumakain sa mga sikat na fast food chain o kaya man restaurant ay yung mga taong nag dadaos ng selebrasyon at masaya kasama ang kanilang buong pamilya o kaibigan.

Makikita ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Ang bakas ng saya sa kanilang mga mata. Ngunit ang kwentong ito ay tila nag pabago sa ananaw ng ilan na sa kabila ng lahat ng kaligayahan, naroon pa din ang sakit, lungkot at bigat ng pinag daraanan.

Kagaya na amang ng sulat ng isang customer na ito na ibinahagi ng isang Jollibee crew na si Mark Noguera. Ang mensahe ay nakasulat lamang sa isang kapirasong tissue na iniwan nito sa kaniyang mesa pagkatapos kumain.

Nakasaad sa mensahe na tila nagpapaalam na ang customer sa sikat na fast food chain na Jollibee pagkat pinagbabawalan na daw siya ng doctor na kumain ng ganitong pagkain dahil siya ay napag alaman nang may Stage 2 na malubhang karamdaman.

Tandang tanda pa daw ni Mark ang hitsura ng babae na kumain sa kanilang branch sa Signal Village bandang alas- tres ng hapon. Ang edad daw ay mga nasa late 20’s na at nakasalamin.

Dahil dito, ang lahat ng staffs doon ay nagdasal sa mabilis na pag galing ng nasabing customer at sinabing huwag mawalan ng pag- asa pagkat mayroon pa ding Diyos na handang tumanggap at magpagaling ng kaniyang mga anak.