Ang buhay ng tao ay hindi mo talaga maipapaliwanag minsay nasa baba minsay nasa taas, minsan ay suwerte minsan naman ay malas basta ang mahalaga dapat ay wag kang sumuko sa iyong mga pangarap at sa gusto mong marating.

Tulad na lang sa nangyari sa buhay ni Drew Goodball noong siya ay nasa edad na 20 taong gulang pagkatapos niya sa pag-aaral ng mga acting siya sinuwerte na magtagumpay at makakuwa ng mga roles sa pelikula kahit ito ay maliit lamang.

Masuwerte rin siya na makasama ang mga kilala at malaking artista sa hollywood tulad nila Brad Pitt at Hugh Grant.

Ngunit hindi nga siguro permanente ang lahat, dahil lahat ng pinaghirapan ni Drew ay nawala dahil marami ang umayaw at hindi naniniwala sa kanyang galing sa pag-acting.

Kaya naman dito nagsimula magbago ang buhay ni Drew umalis siya at nagpakalayo layo maging sa kanyang pamilya ay hindi na siya nagpakita dahil alam niyang madidismaya ang mga ito sa nangyari sa kanya.

Sobrang hirap ang pinagdaanan ni Drew ng mga panahong yon hanggang sa wala na siyang makain kung saan-saan nalamang siya natutulog madalas ay sa labas ng London Academy of Performing Arts siya nagpapalipas ng gabi kasama ng kanyang tulugan na tanging karton lamang ang sapin.

Nakaranas din ng depresyon si Drew dahil sa nangyari sa kanyang career.

Samantala, Isang araw ay nagbago ulit ang buhay ni Drew dahil sa nais niyang magkapera ay naggawa niyang maglinis ng mga sapatos ng mga dumadaan.

Sa una niyang costumer ay ingat na ingat siya dito dahil isa itong pulis. Ang pulis na yon ang naging regular na costumer ni Drew at sa loob ng anim na buwan na paglilinis ng mga sapatos ay naisipan ni Drew na magtrabaho muli at mag opisina dito siya nabuhayan at muling nagkalakas ng loob.

At sa dumaang buwan ay nakaipon si Drew ng pera para gawin niyang capital sa kanyang naiisip na negosyo at doon nga ay nagsimula siya magtayo ng sariling kumpanya at ito ay tinawag niyang “Sunshine Shioeshine.” na ngayon ay malaki at kilalang kumpanya na sa bansang London.

Sa ngayon ay kumikita na ng halos 300,000 kada taon si Drew at lampas kalahati nito ay kanyang ibinibigay sa mga charity.

At isa sa mga nakakahangang ginawa ni Drew ay ang bagay na ito, hindi niya inalis sa kanyang sarili na bago pasukin ang business na ito ay nakatatak pa rin sa kanya kung saan siya nanggaling at ito ay sa lansangan kung saan doon siya natutulog at naghahanap ng pagkain.

Kaya naman para matulungan niya ang mga katulad niya ay kumuha siya ng mga empleyado sa mga taong walang tirahan at tanging lansangan lamang ang tinutulugan.

Ngayon ay may halos 40 ng katao na dating palaboy at ngayon ay nagtaatrabaho na sa kanya at hinikayat din ni Drew ang mga ito na ang ibang kikitain nila ay ido-donate din sa mga charity.

Ang isa sa mga natulungan ni Drew ay si Alan Walton 45 taong gulang, si Alton ay walang trabaho sa halos 15 taon at mayroon siyang problema sa kanyang kalusugan ayon sa kanya sobra ang kanyang pasasalamat kay Drew sa ginawang tulong nito sa kanila lalo na sa pagbibigay ng pag-asa at magkaroon ulit ang tiwala sa kanilang sarili. Ang lahat ng ito daw ay utang na loob nila kay Drew.