Ang pagkakarooon ng isang masaya at buong pamilya, mga damit, sapatos, tirahan at makakain ang siyang una nating pangangailangan sa pang araw araw na buhay.

Kay sakit nga namang makita na ang iyong kapwa ay dumaranas ng isang mapait na pagharap sa mga problema.

Kagaya na lamang ng isang British national na si David Dobson may edad na 74 years old.

Ayon sakaniya ay iniwan daw siya ng kaniyang ka- live in partner na Filipina at nooý nagpalaboy laboy na lamang siya sa lansangan na wala halos makain at mabuti na lang at nakadaan siya sa isang simbahan ng Seventh Day Adventish Church sa may Sibonga Chapter.

Doon ay nakausap niya si Maam Julie Ann at ang kauna unahang sinabi ay pakainin siya pagkat halos tatlong araw na daw siyang hindi kumakain.

Payat, mabaho at may sakit pang ubo at lagnat si David. Sa tulong at awa ng simbahan sakaniya, ipinagamot at dinala siya sa hospital. Ang lahat ng gastos ay sinagot ng simbahan. Sa awa ng Diyos, siya ay gumaling sa lagnat ngunit may ubo pa.

Kada Sabado ng hapon pagkayari ng misa ay binibigyan siya ng pera para sa kaniyang buong lingo. Ang pera na ito ay para sa kaniyang pagkain.

Sambit din niya na ang kaniyang inuuwian ay ang isang lugar sa bundok at ubod ng layo sa bayan ng Sibionga. Kinukwento niya na ang kaniyang hinihigaan at tinutulugan ay ang isang maruming sementong sahid walang unan, walang kumot.

Hindi makapaligo pagkat walang tubig

Nahihirapan ang pag process sa kaniyang mga papeles pagkat wala na palang British console sa Cebu nalipat na daw ito sa Maynila . Ito na ngayon ang problema kung paano matutulungan si David na makauwi at makabalik sa kanilang bansa. Wala siyang mga dokumento especially passport.

Gustuhin mang matulungan ang matanda ay kinakapos pa din daw sa perang ipang gagasta para sa mga trasportasyon at mga bayarin. Nawaý matulungan natin sila.