Marami sa atin ang pinoproblema ang pagkakaroon ng labis na timbang at mabigat na pangangatawan.

Lalo na sa ngayon na panahon ng pandémiya kung saan madalas lamang tayoong nasa bahay at walang masyadong ehersiyo o “physîcal activities”.

Kinakatakøt ng iba ang pagiging ovérwéight dahil madalas daw na nagkakaroon ng ibat-ibang uri ng såkit.

Samantala, sa kabila ng nararanasan na krisis ng mundo ay magandanrin itong pagkakataon o oportunidad upang gumawa tayo ng bagay na maaaring makapagbago sa ating pamumuhay o kaya naman ay sa mismong sa ating sarili.

Katulad ng isang Rider ng FoodPanda mapalad siya dahil kahit ngayong pandémiya ay nakahanap siya ng trabaho sa pamamagitan ng pagdedeliver at bukod sa trabahao ay sa wakas daw ay nabawasan ang kanyang timbang.

Photo via Harian Metro

Siya ay si Siti Khadijah Suhaimi, halos apat na kilo daw ang sa kanya ay nabawas mula ng siya ay magtrabaho bilang isang FoodPanda rider.

Ayon sa kanya ay hindi siya gumagamit ng motor bilang sasakyan pang deliver, sa halip ay gumagamit siya ng bisikleta. Dati raw ay sa isa siyang hotel nagtatrabaho at isang fastfood chain.

Ayon kay Siti 29 taong gulang, simula ng nagkaroon ng pandémiya ay nawalan na siya ng trabaho, Kahit ang magulang niya raw ay may mga pinagkakakitaan at negosyo ay mas ninais niyang mamuhay ng hindi aasa sa kanyang mga magulang.

Photo via Harian Metro

Dagdag pa ni Siti talagang mahirap daw magkaroon o maghanap ngayon ng trabaho dahil sa pandémya, kaya nqman malaki ang pasasalamat niya na siya ay natanggap bilang FoodPanda rider kung saan ang kanyang gamit ay bisikleta.

Alam naman ni Siti sa kanyang sarili na siya ay may katawan na malaking timbang o “ovérwéight” kaya naman hirap daw siya nung una sa tuwing nagdedeliver ng maramihan, ngunit siya ay nagsumikap.

Hindi daw niya iniisip na nahihirapan siya sa trabahong kanyang pinasok lalo na sa pagbibisikleta, Bagkus mas inisip niya na ang ginagawa niya ay para lamang ehersisyo.

Narito naman ang kanyang pahayag ukol dito.

“In the beginning, I was embarrased but I fought off my feelings and thought as positively as I could about all of this. Plus, I lost 4 kgs of my body weight after cycling to deliver orders”

Talaga naman nakakatuwa ang kwento an ito ni Siti, dahil hindi lang siya kumita kundi naging healthy pa ang kanyang pangangatawan at kalusugan sa pamamagitan ng pagbibisikleta.