Kadalasan na ginagamit ng karamihan sa atin sa online services ay ang pagbabayad ng mga bills, pagbili ng mga pangangailangan sa gamit at maging ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapadeliver.

Dahil na nga rin sa pagka-popular ng mga online services ay marami tayong nababalitaan tungkol dito na ang iba ay nakakatuwa dahil malaking tulong talaga ito.

Ang ibang balita naman tungkol dito ay nakakalungkot at nakåkgålit dahil may nababalitaan din tayo na mga customer nanløloko at umoorder ng maraming pagkain at pagkatapos ay hindi babayaran o kaya naman ay maling address ang ginagamit kaya naman ang nangyayari ay nalulugi ang mga delivery riders.

Para sa mga delivery riders na naghahanapbuhay ng marangal at nagsusumikap kumita kahit maliit ay napakahirap ng ganitong sitwasyon.

Kaya naman sanay maging sensitibø ang lahat at maging mapagmalasakit tayo sa kanila lalo na sa panahon ngayon na bawat sentimo ay napakahalaga.

Samantala, kung pag-uusapan ang delivery riders kamakailan lang ay talagang umantig sa puso ng maraming netizen ang larawan ng isang deliver riders habang kumakain ito sa gilid lamang ng kalsada.

Mababasa sa ibang netizen na nagkomento, wari nila ay hindi na nakayanan pa ng Delivery Rider na Lalaki ang sobrang gutom at sinabayan pa ng pagod kung kaya naman ay sa gilid nalamang ito ng kalsada kumain.

Mapapansin din sa delivery rider na hindi niya inalintana ang lugar na kanyang kinakainan kahit pa ito ay madumi at sa kalsada lang, basta magkalaman lang ang kanyang kumakalam na sikmura.

Ang nagviral naman na larawan ng delivery rider ay nagmula sa concerned netizen na si Joshua Florez Dispe.

Talaga naman na sa panahon ngayon ay napakaraming nawalan ng trabaho kaya naman ang iba ay nagsusumikap at nagtitiyaga sa kahit anong trabaho maliit man ang kita.

Basta nakakapaghanap-buhay at may perang maiuuwi sa pamilya at maipambili ng kanilang mga pangangailan ay napakalaking ginhawa na.