Malaki ang tulong ng ating mga kasamabahay pagdating sa loob ng bahay dahil buong araw ay lahat ng gawain ay salo-salo ng kasambahay.

Kaya naman isang malaking blessings ang mga kasambahay sa atin dahil sila din ang nagiging katuwang at katulong ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak kaya naman masasabi natin sila ay bahagi na ng pamilya.

Kahit pa hindi ka dugo ay higit pa sa pamilya ang turing ng ibang amo sa kanilang kasambahay dahil narin sa malalim at tanggal ng pinagsamahan.

Dahil nakakabilib naman talaga ang mga kasambahay dahil ibang klase ang kanilang malasakit at dedikasyon para sa atin.

Katulad ng kwento ng pamilya ng artistang si Dimples Romana at ng kanilang kasambahay na si Ate Vilma na halos 17 years ng nagsisilbi sa kanila kaya naman talagang malapit na siya sa pamilya ng aktres.

“Si ate V namin is one of our biggest blessings in life, itinuring na niya kaming pamilya at pamilya na din namin siya.

Kasama namin siya sa kalungkutan, kaguluhan, sa pagpupursige at sa tagumpay. She has been with us for 17years, opo, kasing haba na din ng taon ng pag-aasawa namin ni Papa Boyet at ng pamilya namin. Kasama na namin sya nung nagsisimula pa lang kami”. Pahayag ni Dimples.

Sa kwento pa ng Aktres, si Ate V daw ay kasama nila sa journey ng kanilang buhay maging sa pagaartista nito kahit pa sa hirap at ginhawa ay andyan daw si Ate V.

“I would always ask her and tell her pwede na niya kaming iwan dahil nahihirapan na kami to give her salary, and yet through thick and thin, hirap at ginhawa, sa Meron at wala, hindi niya kami iniwan” pagpapatuloy ng kwento ni Dimples.

Kaya naman daw talagang pinagkakatiwalaan nila si Ate V, at mahalagang parti ng kanilang pamilya si Ate V.

Kaya naman sa kanilang latest Vlog ay makikitang isinama nila dito si Ate V sa kanilang house tour dahil ipapa approve daw nila kay Ate V ang kanilang bibilihing bahay para ipa-renta.

At habang nililibot ang bahay ay may makikita sa isang kwarto na isang standee ni Ate V at may nakalagay na mga katagang “Oo Para Sa Iyo Yo”, at nang makita naman ito ni Ate V ay hindi niya napigiling umiyak.

Ayon kay Ate V , hindi niya lubos maisip na magkakaroon siya ng bagong bahay mula sa kanyang amo na si Dimples Romana.

Labis-Labis naman ang pasasalamat niya sa aktres dahil sa binigay na blessings na ito malaking tulong daw ito lalo na sa kanyang pamilya.

“Punong puno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos. dahil ngayon, maibabalik na namin sa kanya ang lahat ng pagmamahal at taon na ibinuhos niya sa amin.

Eto ang pasasalamat namin sayo ate V. Sana nagustuhan mo” pagtatapos ni Dimples.

Talaga naman na nakakahanga ang ginawang pagpapahalaga ng Pamilya ni Dimples sa kanilang kasambahay, dahil kahit siya ay nasa taas na ay hindi niya nakakalimutan ang mga taong nakapaligid sa kanya , sana ay tularan si Dimples ng iba pang artista o mga tao na may kakayang tumulong sa ibang labis na nangangailangan.