Mahirap pag aralin at sustentuhan ang sarili. Mahirap pagsabayin ang pag aaral sa umaga at pagtatrabaho sa gabi para lang may pambayad, pambaon at pang gastos ka kinabukasan.

Ang kita dito ay hindi pa sigurado pagkat ito ay maaaring swertihan lamang.

Isa sa mga pwedeng maging pagkakakitaan ng isang estudyante ay ang paglalako o pagbebenta. Katulad na lamang ng isang estudyanteng nagtitinda ng pastillas na nag viral.

Mapapanuod sa umpisa ng video na para lamang siyang pinagkakatuwaan ng isang lalaking nag iinom.

Lakas ng loob ang kaniyang naging puhunan upang makalapit siya sa mga nag iinuman upang alukin ito ng kaniyang binebentang mga pastillas.

Aakalaing pinagtritripan lamang ang estudyanteng ito dahil sila ay nagtatawanan.

Sa una ay iniinterview siya ng isang lalakeng di maitatangging nakainom na ang hitsura. Bakas sa estudyanteng siyaý kinakabahan.

Tinanong ng lalaki kung bakit siya naging tindero, at sinabi niyang para ito sa kanyang pag-aaral. Nang nalaman ng lalaki na nasa ₱1,000 ang kabuuang kikitain ng estudyante kung maibenta niya lahat ng paninda, nagdesisyon siyang bigyan na lamang ito ng ₱1,000 upang makauwi na at bukas nalang ibenta ang mga paninda.

Ngunit hindi pa doon ito nagtatapos. Bilang bisperas naman na noon ng bagong taon, naisipan pa ng lalaki na gawing ₱1,500 ang ibibigay sa estudyante.

Bakas sa mukha ng estudyante ang kaniyang tuwa pagkat ito ay naluha na sa saya. Ibinigay sa kanya ang pera at di kinuha ang mga pastillas upang maari pa niyang ibenta kinabukasan.

Sabi pa ng lalaki, galing daw sa “itaas” ang biyayang iyon kaya dapat ibalik din ang pasasalamat sa pamamagitan ng dasal.

Niyakap pa niya ang estudyante na noo’y lalo pang naiyak at habang papalayo ito, sinabi pa ng lalaki hanapin ng estudyante ang SabrinaCio Footwear sa Facebook na kanilang pagmamay-ari para malaman nila kung ga-graduate na ito.

Labis na hinangaan ng mga netizens ang pamilyang may-ari ng SabrinaCio footwear sa Bulacan dahil sa pagtulong nila sa estudyante at sa pagbabahagi ng biyayang patuloy nilang tinatanggap.