May kasabihan nga tayong pinaniniwalaan na “don’t judge a book by its cover” ngunit minsan ay may pagkakataon talaga na hindi maiwasan ng karamihan sa atin ang magbigay agad ng kanya-kanyang opinyon at bumabase lamang sa pisikal nilang nakikita.

Katulad ng isang bahay na ito na kapag nakita ng iba malamang ay huhusgahan agad dahil ang bahay na ito ay hindi aakalain ng marami na sobrang ganda pala ng loob nito kahit puro yero lamang ang makikita sa labas nito.

Ayon sa Facebook page na Liberian Lifestyle Magazine, Kanilang ibinida ang kakaibang bahay na ito.

Makikita sa isang larawan nagawa ang bahay sa yero hindi lamang sa bubung nito dahil maging sa dingding nito at ibang parti ng bahay ay puro gawa sa yero.

Samantala sa mga sumunod pang larawan ay makikita na ang loob ng bahay na ubod ng ganda pala.

Makikita ang dining area nito na kahit pa maliit ay kumpleto naman ang gamit at mayroon pa itong oven sa kusina.

Pagdating naman sa sala ay napaka linis at ganda rin tignan, mayroon itong sofa na kulay gray na kaparehas ng kulay ng iba pang appliances na nasa loob nito tulad ng mga refrigerator at washing machine.

Sa harap naman ng sofa at may isang malaking TV, kaya naman kung sino man ang uupo sa sofa ay tiyak na magiging komportable at masisiyahan dahil sa sobrang mare-relax ang pakiramdam.

Kung pag-uusapan naman ay bedroom o kwarto ay hindi rin ito magpapatalo at hindi basta-basta, mayroon itong maganda at malinis na kama at may magagandang unan na kulay pink samahan pa ng isang malaking teddy bear sa gitna ng kama.

Talaga naman magugulat ang marami kapag nakita ang loob nito dahil sa sobrang ganda. Sadyang hindi nila inaasahan na ganito ang nasa loob ng bahay na gawa sa yero.

Kaya naman patunay lang ito na totoo ang kasabihan na “don’t judge a book by its cover” kaya sa halip na husgahan mo agad ito ay mabuting alamin mo muna ang nasa loob nito.