Kapag ikaw ay nagkaroon ng anak, sino ang kukuhanin mong ninong at ninang? Maaaring matatalik na kaibigan o mga taong pinag kakatiwalaan.

Responsibilidad ng mga ninong at ninang ang tulungan ang mga magulang ng bata upang gabayan ito sa paglaki nito.

Ngunit minsan ay tila tinitingnan ang kakayahan ng taong magbigay tuwing may okasyon kagaya ng pasko at mga birthday.

Iniisip na sa pagbibigay ng pera at material na bagay nasusukat ang pagiging mabuting ninang o ninong.

Ngunit isang kalabisan ang ginawa ng isang ginang sa netizen na si Armie Armie na ibinahagi naman niya sa social media.

Nakasaad dito na inubliga siya ng kaniyang kumare na magbigay lechon, balloons at cellphone na nagkakahalagang P10,000.

Bisaya ang gamit na lengguwahe ng mag kumara na kung saan ipinaalam ng ginang kay Armie na magdidiwang nga ng 4th birthday ang kaniyang anak na inaanak naman ni Armie.

Sumbat pa ng ginang, 2 taon na daw hindi nakakapag bigay si Armies a kaniyang inaanak kaya nararapat lamang na mag bigay ito ng mga mamahaling regalo kagaya ng lechon at P10,000 na cellphone.

Ulbo ang kaspa sa tanan. Unsaon pagdemand ug cp na worth 10k? Plus lechon and balloons? Ahaha so kung walay anak…

Posted by Armie Armie on Saturday, August 15, 2020

Sinabi naman ni Armie na hirap din sila sa pamumuhay ngayon dahil na nga sa pandemya. Pilit ding pinag kakasya ang pera pambili sa mga pangangailangan ngunit nangako naman siya na magbibigay ito ng laruan para sa inaanak.

Sa kabila ng maayos nap ag papaliwanag ni Armie, ipinilit pa din ng ginang ang kaniyang gusto at sinabi pang hindi daw nito maintindihan ang sitwasyon ng ginang dahil wala naman daw anak si Armie.

Sa kaniyang caption sa social media, nagbiro pa siya na kailangan niya ng mauutangan o magpapa utang sa kaniya upang makabili ng ninanais na regaling lechon at 10k na cellphone ng kaniyang kaibigan para sa kaniyang inaanak.