Sabi nila, kapag daw ikaw ay isang magulang, kinakailangang tulungan moa ng iyong mga anak hanggang sa makayanan na nilang gawing mag isa ang mga bagay kahit na komplikado pa.

Ngunit paano na lamang kapag nasilayan moa ng iyong sariling anak na nahihirapan? Hahayaan mon a lang ng aba kahit na alam mong mature na sila para gawin iyon mag- isa?

Kagaya ng isang ina na ito na hindi nakayanang tingnan lamang ang kaniyang service crew na anak na nagpapakahirap sa pagtatrabaho kaya naman hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito.

Dahil sa pagpapakita ng tunay na pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang anak, hindi lamang ang kaniyang anak ang naantig ang puso maging ang napakaraming netizens na nakakita ng larawan sa social media.

Ang kwento at larawan ay nanggalingan sa netizen na si Rubie Lyn Mendoza na ibinahagi sa kaniyang Facebook account kung paano gumawa ng aksyon ang kanilang ina na si Emilia para sa kaniyang working student na kapatid na si Jann.

Kung titingnan, si Aling Emilia ay isang tipikal na customer lamang na kumain sa isang fast food chain suot ang kaniyang orange shirt at blue jeans. Ngunit patuloy pa din ang kaniyang pag liligpit at paglilinis.

Makikita din sa larawan ang mga hitsura ng iba pang customers na abala sa pagkain ng kanilang mga inorder na pagkain at sa kabilang dulo naman ng larawan ay makikita ang isang babaeng nagtatapon ng basura sa basurahan na nakasuot ng uniporme ng mga empleyado.

Ayon kay Rubie, mahirap ang kanilang buhay ngayon lalo na wala a silang ama at kinakailangan ng kaniyang kapatid na maging isang working student sa isang fast- food restaurant.

Kwento niya, nang gabing iyon, wala halos staff ang fast food chain kaya naman ang kaniyang kapatid lang ang nakikitang naglilinis.

Mahirap para sa kanilang ina na panoorin lamang ang kaniyang anak na nahihirapan mag isa habang puno ng mga customers at napaka dami pang lamesang hindi malinis.

Nakakagulat man ngunit nakakaproud din ang ginawa ng kanilang ina. Agad namang kinuhanan ni Rubie Lyn ang moments. Kaya naman umani din ito ng napaka raming papuri mula sa netizens.