Tunay nga na ang taong 2020 ay isang nakakapagod at nakalulungkot na taon para sa ating lahat dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Napilitan ang lahat na manatili sa kani- kanilang tahanan at pansamantalang ihinto ang kanilang negosyo at trabaho.

Gayun pa man, tayo ay nakaraos na sa taong iyon at mapalad na matunghayan ang bagong panimula sa bagong taon na 2021.

Nakakapanibago man ang Sistema, may ilang mga tradisyon pa din ang hindi kumukupas at napapalitan.

Higit pa doon, nararapat lamang na salubungin ang bagong taon ng may ngiti sa mga labi at tuwa sa ating puso.

Nagbigay aliw ang isang videong nag viral na ipinost ng netizen na si Joreen Cuerdo Ruzol na kung saan mapapanood ang nagkalat na mga perang papel maging ang mga barya sa buong kumpanya.

Isang babae ang nakatayo sa likod ng pinto upang buksan ito na isa namang hudyat para sa mga empleyado na mag simula nang mamulot ng pera sa abot ng kanilang makakaya.

Ang lahat ay kumakaripas ng takbo sa iba’t ibang direksyon. Mayroon silang kaniya- kaniyang bag upang lagyan ng mga perang mapupulot. Ayon sa kumukuha ng video, ilang minute pa lamang ay nasimot na ang pera kahit sa mga sulok- sulok.

Hindi naman nakalimutan ng mga empleyado na magpasalamat at bumati ng “Happy New Year”

Saad nga sa kanilang caption, “Our yearly tradition of our first day of work”