Marami ang humahanga ngayon at bumibilib sa isang magsasaka na mula sa Benguet, matapos kasi nitong isauli ang malaking halagang napulot nito noong kaarawan ng Pasko Disyembre 25,2020.

Ayon sa kwento, habang naglalakad ang magsasakang si Mando Baniwas Alonzo, 53 taong gulang sa lugar ng Sitio Satayan may oras ng Alas-diyes ng umaga araw ng kapaskuhan nakita niya umano ang isang sling bag na naglalaman ng malaking halaga na aabot ng P133,800, isang lisensya at squidpay card.

Nang mapulot daw ito ni Mang Mando ay hindi siya nagdalawang isip na ibalik agad ito sa may-ari. Agad siyang nagtungo sa Tublay, Benguet Municipal Police Station (MPS) upang ipaalam sa mga kinauukulan.

Nakarating namam agad ang balita sa may-ari ng gamit at pera na si Roger Bai Santiago at sila ay nag usap ni Mang Mando sa pamamagitan ng telepono tungkol sa kanilang pagkikita.

Dahil sa ginawang kabutihan ni Mang Mando ay ipinagmalaki siya ng police station ng Benguet sa pamamagitan ng social media, hinahangaan siya ng mga kapulisan ng bengeut dahil sa pagiging tapat nito dahil sa kabila ng nararanasan natin hirap lalo na ng mga magsasaka dahil sa pandemiya ay mas pinili nitong ibalik ang pera.

“Money is one among top concerns we have right now especially in this time of yuletide and period of pandemic.

Many of us face the reality and paying bills, providing for our families and trying to make the most of the festive season but no matter how one would badly need it the spirit of honesty and integrity remained to a person eho chose to return na money. We salute you Mr. Mando Baniwas Alonzo for your honesty. God bless!”.

At dahil sa kabutihan ni Mang Mando ay naibalik kay Santiago tunay na may-ari ng pera at ng gamit matapos magpakita ito ng proof of Identity.

Labis labis naman ang pasasalamat nito kay Alonzo dahil sobrang napakahalaga daw ng pera na iyon para sa kanyang pamilya ayon kay Santiago.

Talagang kahanga-hanga ang ginawang kabutihan at pagiging tapat na ito ni Mang Mando dahil sa kabila ng kahirapan ay hindi pumasok sa kanyang isipan na angkinin ang bagay na hindi sa kanya.