Iba’t ibang paraan ang pagbibigay ng pagmamahal ang ating ginagawa. Kanya kanyang diskarte sa pagbibigay ng regalo.

Lalo na ngayong buwan ng Pasko na kung saan pagbibigayan an gating kadalasang tradisyon.

Bilang isang anak, responsibilidad mong pasayahin at paligayahin ang iyong mga magulang, ganun din ang iyong mga magulang sa iyo.

Ang simpleng pagbibigay ng isang munting regalo ay siya nang sobra sobra na. Hindi kailangang malaki o maliit, mahal o mura. Lahat ng magulang ay deserve masuklian ang kanilang mga pagsasakripisyo lalo na sa kanilang trabaho.

Ang karangalan ng isang tao ay hindi nababase sa kanilang mga trabaho. Ang mahalaga, walang natatapakang tao at marangal ito. Sapat ang kinikita para pantustos sa buong mag anak.

Isa sa mga Facebook post, labis ang kaligayahan ng amang driver nang regaluhan ito ng kaniyang anak ng isang sapatos.

Simple lamang ang sapatos na ito. Hindi orihinal ngunit ang saya ng kaniyang ama ay hindi mapantayan. Makikita sa isang video na talaga nga namang nag kaiyakan pa.

Nagbitaw ng pangako ang kaniyang anak “Hayaan mo Pa, sa ngayon dahil ikaw at si Mama pa lang ang bumubuhay sa amin, hindi pa mamahalin at original na sapatos iyan, pero kapag nakapagtapos na kami, pangako babawi kami sa iyo.

Hindi ko ikinahihiya na jeepney driver ka at OFW si Mama, at lagi mo muna kaming inuuna kaysa sa sarili mo. Kayo yung buhay namin.”

Umani naman ng mga papuri mula sa mga netizens. narito ang kanilang mga komento:

“Dito mo makikita kung gaano karesponsableng magulang ang iyong Mama at Papa dahil napalaki kayo nang tama. Sana tularan lahat ng magulang ito at para sa mga anak huwag ninyong ikahiya ang trabaho ng inyong mga magulang dahil ang mahalaga hindi sila nagnanakaw at hindi sila masamang tao.”

“I cried when I saw your Dad’s reaction. Naalala ko tuloy yung Dad ko. Anyway, I want to meet your Papa, I’ll give him special gift,” turan naman ng isa.