Ang isa sa pinaka masarap na libangan ay ang pagbabyahe sa ibat-ibang lugar, ito rin ang nauuso at interest ng mga tao ngayon ay ang mag-travel.

May kamahalan ngunit talaga namang kakaibang “experience” at saya ang iyong mararamdaman lalo na kapag nakita mo na ang angking kagandahan ng isang lugar at destinasyon na iyong pupuntahan.

Ngunit bago ka nga makapunta sa mga pangarap mong lugar o destinasyon sa ibang bansa ay kailangan mo muna sumakay ng eroplano at para din maranasan mo ang serbisyo ng mga airline companies at ang mababait na flight attendants na siyang tutulong sa iyong paglalakbay.

Samantala, ang alam ng marami sa atin na lalaki at babae lamang ang mga flight attendant, ngunit sa hindi nakakaalaman ay mayroon na tayong mga flight attendant na mga “transwoman”.

Ito ay usap-usapan rin sa mga social media platform, ang dalawang flight attendants na transwoman ay nakilalang sina Mikee Vitug at Jess Labares.

Sila ang sinasabing kauna-unahang mga transwoman flight attendants ng Cebu Pacific.

Kapag nakita mo talaga ang dalawa ay hindi mo talagang aakalain na sila ay transwoman dahil sa kanilang itsura at tindig na babaeng babae.

Ang karanasan at tagumpay naman nina Mikee at Jess ay naging isang malaking inspirasyon para sa katulad nila na nangangarap maging flight attendant.

Ayon sa dalawa hindi naging madali ang lahat at hindi biro ang kanilang pinagdaanan, ngunit totoo nga ang kasabihan na ang lahat ay may katapusan lahat ng hirap ay napawi ng saya dahil nag bunga lahat ang kanilang pagsasakripisyo at pagsusumikap.

Kwento ni Mikee at hindi niya akalain na ang lahat ng ito ay mangyayari dahil alam niya na ang kanyang sitwasyon ay hindi pinapayagan sa ating bansa.

Ngunit nang dumating sa kanya ang pagkakataon at dahil na rin sa pamimilit at pagsuporta ng kanyang partner ay nangyari ang dati ay akala niya na hanggang pangarap nalang.

Para kay Mikee ang kanyang pagiging positibo sa buhay, dedikasyon at pagtitiyaga ang naging susi at daan niya para mapagtagumpayan ang kaligayaha na kanyang tinatamasa ngayon sa buhay.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating pangarap mo lang na akala mo ay imposible ay matutupad pala.

Kaya naman para sa lahat sana ay maging inspirasyon si Mikee at Jess na wala talagang imposibleng pangarap kung tayo ay hindi titigil sa pagsisikap at patuloy lang abutin ang pangarap para sa tagumpay ng buhay.