Malaki ang pasasalamat ng marami nang naimbento na sa wakas ang internet na kung saan maaari nang magkaroon ng koneksyon ang mga tao mula sa iba’t ibang lugar.

Mga taong nasa iba’t ibang bansa at kung saan lupalop pa ng mundo ay posible pa ding makapag-usap dahil sa teknolohiya ngayon.

Samantala, hindi pa din maiwasan ang mga negatibong epekto nito sa tao. Madalas ginagamit ang social media upang makapanloko hindi lamang sa mga paninda kung hindi pati na din sa hitsura.

 

Isa na diyan ay ang biktima na si Yusuf na isang trabahador sa Indonesia na lumipad sa South Korea para kumita ng mas malaking pera.

Sa tulong ng social media, nakilala ni Yusuf ang isang dilag na akala niya ay ang babaeng para sa kaniya na. Madaling nagkapalagayan ang kanilang mga loob hanggang sa sila ay maging magkasintahan.

Tumagal ang kanilang long distance relationship ng dalawang taon at napadalhan na din ni Yusuf ang babae ng higit pa sa P36,000.

Hindi naman din nagkulang si Yusuf sa pagiging konektado sa babae kaya naman madalas din silang mag video call ngunit palagi na lamang nakatakip ng belo ang babae.

Dahil sa pagkabulag sa pagmamahal ni Yusuf, hindi na niya iyon pinansin at patuloy pa din niya itong minahal at patuloy ang pagbibigay ng pera.

Hanggang sa nangako si Yusuf na siya ay mag iipon at uuwi sa Indonesia para sila ay magpakasal na. ngunit bigla na lamang tumigil ang mundo niya nang natuklasan niya na ang babaeng kaniyang kausap at ang magandang dilag sa larawan ay magkaibang tao pala!

Agad niyang inuurong ang kasal at napag- alaman niya na ang mga larawan sa social media ay mga larawan lamang na kinuha sa internet. Ang kaniyang naging nobya at tunay na nakakausap ay isa palang matandang babae.

Tila ba nasayang ang oras ni Yusuf at lubos na nadismaya sa mga nangyari na tila binagsakan ng mundo na ang kanyang buong akala ay totoong pagmamahal ang pinakita sa kanya.