Huwag mamaliitin ang mga simpleng trabaho pagkat kadalasan, itong mga taong ito ang siyang nakakadiskubre ng mga bagay na kayang tumbasan higit pa sa sahod ng isang propesyunal na manggagawa.

Kagaya na lamang ng isang 44 taong gulang na ordinaryong barista na si Boonyos Tala-Upara mula sa bansang Thailand. Siya ay matagal nang nagtatrabaho sa Koh Samui.

Buwan ng Hunyo nang mayroon siyang natuklasang bagay na dumaong sa dalampasigan malapit sa kaniyang pinag tatrabahuhan.

Hindi pangkaraniwan ang hitsura nito ngunit kutob niyang mapapakinabangan. Inuwi niya ang kakaibang bagay na ito ngunit kaniya ding nakalimutan.

Lumipas ang ilang buwan nang may bumisitang kaibigan si Boonyos sa kanilang tahanan at naalala niya ang kaniyang napulot sa dalampasigan.

Nang ipakita ito sa kaniyang kaibigan, natuklasan nilang dalawa na isa ito sa pinaka mahal na sangkap ng isang pabango na tinatawag na Ambergris.

Ang sangkap na ito ang siyang kinakailangan upang mapanatili at mapatagal ang mahalimuyak na amoy ng isang pabango.

Hindi din basta basta ang pinanggalingan nito pagkat ito ay nagmula pa sa maliit na bituka ng tinatawag na Sp3rm Whale.

Ito ay kinakailangang iluwa ng mga Sp3rm Whale para mapangalagaan ang kanilang mga sarili laban sa matutulis na tuka ng kanilang pagkain na Giant Squid.

Sinasabing ito ay kulay abo, itim dilaw o hindi kaya man ay halo- halong kulay.

Ang Ambergris daw ay mas bumabango kapag matagal nang nagpapa lutang lutang sa karagatan ngunit kabaliktaran naman kapag kalalabas lang sa Sp3rm Whale.

Base sa mga naobserbahan at pagsusuri nina Assistant Professor Thon Thamrongnawasawat, Vice Chancellor ng Faculty of Fisheries sa Kasetsart University malaki daw ang posibilidad na ito nga ay isang Ambergris na maaaring ipagbili ng milyon sa kada isang kilo.