Pagdating sa pagiging magulang alam natin na lahat ay gagawin nila para sa kanilang pamilya lalong lalo na para sa kanilang mga anak.

Kaya naman may mga pagkakataon ay kumakapit sa patalim ang mga magulang para sa pangangailangan ng kanilang mga anak dahil sa kahirapan ng buhay.

Katulad na lamang ng pangyayaring ito na naganap sa isang lalaki na nahuli sa isang grocery store sa Bonifacio Global, Taguig City di umano nagtangkang magnÄkaw ang lalaking ito ng grocery items na naglalaman ng isang malaking pack na diaper, isang pack ng hotdog, 4 na pack ng gatas, 10 pakete ng 3-in-1 coffee at isang air freshener na may kabuuang halaga na Php3,500.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, bigla raw lumabas ng grocery store ang suspek na Lalaki dadala ang mga pinamili at hindi na dumaan sa cashier habang palabas daw ito ay nakita siya ng gwardiya ng establisyimento at dito hinihingian siya ng resibo ngunit wala itong maipakita kaya naman agad-agad siyang hinuli at ikinulong sa Taguig Police Station na ngayon ay nahaharap sa reklamong theft.

Samantala sa nangyaring ito imbis na magalit ang mga Netizen na nakabasa ng kwento ito ay kabaligtarang ang nangyari.

Imbis na kamuhian o kutyain ay naging daan ito upang siya ay matulungan dahil halos lahat ng mga netizen ay naawa sa lalaki.

Nang ibalita ito ng ABS-CBN News, makikita ang halos lahat ng comments ay puro pakikisimpatya sa suspek.

Marami ang nagsasabi na nagawa lang siguro ng lalaki yon dahil sa kahirapan at dala narin ng pangangailangan daw dahil sa anak nito at pamilya.

Marami naman ang nais magpaabot ng tulong para sa lalaki at pamilya nito ang iba ay pera at ang iba naman ay puro pagkain.

Nakakaantig naman ang ilang komento at mensahe na mula sa mga netizen, ito ang patunay na sa hirap at ginhawa tayong mga Pilipino ang magkakasama anumang problema lahat ay kakayanin.