Sa lahat ng bansa, kinakailangan talaga na mayroong taong mamumuno sa kanila upang maisaayos ang mga problema.

Ngunit, minsan ay hindi maiiwasan na kung sino pa ang siyang nasa itaas na dapat ay maging mabuting halimbawa, ay siya pang tila sakit sa ulo ng mamamayan.

Kagaya na lamang ng lalaking naka sleeveless croptop na puti at punong puno ng pekeng tattoo na nasa larawan na ito.

Aakalain mo bang siya ang pinaka mayamang hari sa buong mundo? Siya ay si Maha Vajiralongkorn na may opisyal na pangalang King Rama X na hari ng Thailand.

Siya ang ika- 10 hati ng Chaki Dynasty. Taong 2016 buwan ng Oktubre nang pümånaw ang kaniyang amang si King Bhumibol Adulyadej at taong 2019, Mayo ika- 4 nang opisyal na ipinasa sa kaniya ang korona ng hari.

Naganap ito sa Grand Palace sa Bangkok at doon, iniupo siya sa isang gintong silya na buhat ng labing anim na sundalo upang ilibot sa buong Bangkok upang isagawa ang kaniyang Royal Procession.

Tumagal ito ng anim na oras kasama ang kaniyang panganay na anak na si Princess Bajrakitiyabha at bagong asawang si Queen Suthida maging ang 1,300 mga opisyal at mga puting elepante.

Ang koronang kaniyang sinuot na “Great Crown of Glory” ay minana pa niya kay King Ram (1782). Hindi lamang iyon ang kaniyang nakuha kundi pati na din ang estimated net worth na $43 Billion, 38 aircrafts, 21 helicopters at ubod ng daming mamahaling sasakyan.

Mayroon din siyang 16,000 acres na lupain sa bansang Thailand at ang dating official residence ng hari na “The Great Palace Complex”

Kasalukuyang naninirahan si Maja sa eleganteng Dusit Palace na may lawak na 64, 749 sqm na may nakapaloob na 13 royal residents.

Sa kabila ng kaniyang mga ari- arian, hindi pa din niya makuha ang pabor ng nakararami dahil sa kaniyang mga ginagawa.

Sa katunayan, binansagan siyang “Playboy King of Thailand” dahil sa apat na beses na siya nag- aasawa at tatlong beses naman nakipag divorce.

Higit pa doon, bukod pa sa kaniyang pang- apat na asawang si Queen Sudittha, mayroon pa siyang kabit na nakilalang si Sininat na tinatawag namang “Royal Concubine of the King of Thailand”

Isa pa sa sensitibong isyu na nakalap ng pamayanan ng Thailand ay nanatili ang kanilang hari sa isang 4- star hotel sa Germany kasama ang 20 babae imbis na asikasuhin ang walang humpay na problema dahil sa pandemya. Sa katunayan, mas madalas pa dw ang hari sa Germany kaysa sa Thailand.

Nag init ang mga mamamayan kaya’t kinailangan na nilang magprotesta patungkol sa mga ginagawa ng kanilang sariling hari.

Nagtrending ang kanilang #WhyDoWeNeedaKing (sa wikang Thai). Kaya nga lang, walang laban ang mga mamamamayan sa kanilang ipinatupad na batas na hindi maaaring insultuhin, pagsabihan ng masasama at bantaan ang hari na tinatawag nilang “Mes, Majeste”