Ang Aeta na ito ay nahanap na niya ang kaniyang tunay na pag ibig at ibinahagi ang kanilang first kiss ng napaka gandang babae. ang kanilang kwentong pag- ibig ay nag viral sa social media at madami ang humihiling na sana ito ay totoo.

Siya ay si Mariano Sapuno Lingay na naninirahan sa Marcos Village, Pampanga. Kilala siya at ang kaniyang katambal bilang #Margel.

Sa ilang mga serye ng kanilang videos nakilala ang love team na ito. Nahanap ni Mariano ang pag ibig kay Angel at minahal naman din niya ito pabalik.

Madaming netizens ang nag aabang sa kanilang istorya simula pa noong masugid na nililigawan ni Mariano si Angel.

Nang aminin din ni Angel ang kaniyang pagmamahal kay Mariano, madaming netizens an gang kinilig at umaasa na magiging magkasintahan ang dalawa habang buhay.

Sa isang video, ikinuwento ni Angel na siya ay nagula sa isang broken family at umaasa na makakahanap ng tunay na pag- ibig.

Ngunit hindi niya din maipaliwanag kung bakit siya nahulog kay Mariano dahil ang alam niya lang ay mahal niya ito. Hindi na nangangailangan ng kahit anong paliwanag at dahilan para lang mahalin mo ng totoo ang isang tao.

At sa wakas, ibinahagi na ng dalawa ang kanilang first kiss.

Madami ang nagsasabi na ang kanilang tambalan ay walang katotohanan at nais lamang nila sumikat gamit ito dahil madaming mga tao ang sumusuporta sa isang nakakakilig na istorya ng mga nagiging magkasintahan sa hindi inaasahang paraan.

Samantala, sinasabi ng iba na si Mariano daw ay halatang in love talaga sa babae ngunit si Angel ay sinusubukan lamang palabasin na mahal niya din si Mariano.

Ginagawa lamang daw nila ito para makalikom ng mga likes lalo na ngayon na mayroon na silang hashtags na #Margel at #SYTALENTENTERTAINMENT.