Hindi mo nga naman masabi ang swerteng nakalaan sa iyo. Madalas sabihin na ang pera ay hindi madaling makuha. Ito ay pinag tatrabahuhan at pinag hihirapan. Ngunit kapag umayon sa iyo ang tadhana, maiiyak ka na lang talaga sa tuwa.

Noong unang panahon pa, madalas an gating mga ninuno ay nagbabaon sa lupa ng mga kagamitan o mahahalagang gamit na kadalasan ay kayamanan.

Kaya naman ang mga tao sa kasalukuyan na kung saan aksidenteng natutuklasan ang kayamanan sa ilalim ng lupa.

Kagaya na lamang ni Tatay Carlito ng Negros Occidental na nakahukay ng isang kahon na naglalaman ng daang daang perang papel ng mga Hapon.

Kaniya namang pinahayag sa programa ng GMA na “Kapuso Mo Jessica Soho” na kung saan ibinahagi sa kanilang official facebook page ang nais iparating ni Tatay Carlito.

Umaasa daw ito na mayroon pang katumbas na halaga ang kaniyang mga nakuha upang maipandagdag sa panggamot ng kaniyang asawa.

Marahil ito nga ay biyaya mula sa itaas. Sa ngayon ay wala pang balita kung naipalit nga ba ang perang kaniyang nakuha.

Narito ang naturang post:

MISTER MULA NEGROS OCCIDENTAL, NAKAHUKAY NG DAAN-DAANG PIRASO NG JAPANESE MONEY! MAGKANO NA ANG HALAGA NITO NGAYON?

“Nakahukay ako ng kahon na may laman na pera ng Japanese government. Sana may halaga ito para matustusan sa pagpapagamot sa misis ko na may lupus.

Kinabahan ako at tsaka umiyak ako. Sabi ko baka ito na suwerte ko na makaahon sa kahirapan.”

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho