Para sa ating mga Pilipino likas na sa atin ang pagiging madiskarte kahit anong sitwasyon at kahit anong trabaho ay papasukin natin makaraos lang.

Lalo na ngayong panahon ng pandemiya marami sa atin ang nawalan ng trabaho kaya naman ang iba ay naghahanap ng ibat-ibang paraan para pagkakitaan.

Ngunit kung ang iba ay may ganito ng papanaw sa buhay ay mayroon din naman hindi.

Tulad na lamang ng isang kwento ng netizens na ipinost niya sa kanyang social media account kung saan nakasalubong niya ang kanyang dating kaklase noong highschool habang siya ay papasok sa kanyang trabaho.

Nang sila daw ay magkita siya ay kinamusta ng kanyang dating schoolmate at sinabi nito na na lagi raw siya nitong nakikita pag siya ay papasok sa trabaho.

Sambit din ng kanyang kaklase na nakikita rin daw siya nito na nag construction worker.

“Sayang naman pinag-aralan mo, Nagco-construction kana lang. Buti hindi ko naranasan yan”. Dagdag pa raw ng kaniyang dating ka eskwela habang tumatawa.

Nakakalungkot isipin na mayroon mga tao na ganito ang pagtingin sa trabaho ng ibang tao. Imbis na puriin dahil gumagawa ng paraan para mabuhay sa kabila ng pandemiya at walang tinatapakang tao ay bagkus hinahamak pa.

Narito ang buong kwento:

Convo with SchoolMate (With Honors)

Nagkasalubong sa Kalsada…

SM: Uyyy Eddcel ? Kamusta? Araw araw kita nakikita nadadaan dito.

ME: Ok lang naman eto papunta work.

SM: Nakikita nga kita eh, nagcoconstruction ka lang diyan sa Dulo Sumapa.

ME: Ahh ganon ba, oo eh hehe wala ng reklamo lalo pandemic.

SM: Sayang naman yung pinag-aralan mo. Nagco-construction kana lang. Buti hindi ko nararanasan yan. (Tumatawa)

ME: Speechlesss (Diskarte Lang Sa Buhay)

SM: HAHAHAHA

ME: Pano? Una na ako, baka malate ako eh. (Bike palayo sa kanya habang tumatawa Siya.)

Yung tipong habang nag Babike ka, napapa isip ka sa bawat salita na narinig mo mula sa Tao na yun. And what? Sobrang Sakit.

May KAYA sila sa buhay at Hindi habang buhay aasa SIYA sa Pamilya niya. May mga tao pading Idadown ka pero kailangan mo paring Magpatuloy.

Hindi naman sa lahat ng Panahon na sa Taas tayo. Diskarte sa Buhay na lang ang Labanan

Ps: Kaninang Umaga lang to. Papasok ako sa Work. For that Guy? God blesss you at sa Family mo.

Hindi ko ikakahiya kung ano ginagawa ko dahil dito ako Masaya at dito rin ako nakakatulong para sa Sarile ko at sa ibang tao at lalo sa Pamilya ko.

Dahil sa post nito marami ang mga netizens na nagpaabot magandang komento kay Edcel at para naman sa dati nitong schoolmate marami ang netizens nanagpaabot ng pagkasuklam dahil sa panghahamak nito.

“Saludo kami sayo Pre! Marangal na trabaho yan basta wala kang tinatapakang tao para sa pamilya mo tuloy mo isa ka sa bayani na nagpapakahirap para mabuhay ang pamilya. Para naman sa schoolmate mo balang araw lahat ng ginagawa niya sa kapwa niya babalik sa kanya”

“Sir ignore niyo lang ang mga ganong tao may trabaho nga siya na maganda, pangit naman ugali niya baliwala din sir. Isa ka sa mga inspirasyon para sa marami sir na sa kabila ng pandemiya naghahanap ng diskarte para sa Family “