Marahil hindi na mawawala sa mundo ang mga taong masyadong mapanghusga na kahit hindi pa nalalaman ang kahat at ang tunay na kwento ay mamaliitin o huhusgahan kana agad.

Katulad ng nangyari sa isang factory worker na si Raul, siya ay walong taon nang nagtatrabaho sa naturang kompanya.

Madalas daw siyang tampulan ng asar, pagtawanan at husgahan ng kanyang mga katrabaho dahil sa palaging itlog at Tuyo ang kanyang ulam kahit pa daw sa araw mismo ng suweldo.

Pero para kay Raul nginingitiin niya nalamang ang kanyang mga katrabaho kapag daw nakakarinig siya ng pangmamaliit ng mga ito.

Ayon sa kanya kaya naman daw niyang bumili ng mas masarap na ulam ngunit siya ay nagtitipid para mabayaran ang mas mahalagang bayarin niya.

Halos sa walong taon daw niyang pagtatrabaho ay wala siyang naging kaibigan dahil lahat daw ay unti-unti siyang nilalayuan ng kanyang mga katrabaho.

Madalas pa nga raw niyang marinig na siya ay pinag-uusapan, tinatawanan at pinariringgan ng mga ito.

Isang gabi, habang ang lahat ay naghahapunan sa kanilang pinagtatrabahuhan naging tampulan nanaman ng tukso si Raul dahil sa baon nitong ulam.

Kasama nilang kumakain sa canteen ang kanilang team leader na si Reah, na mismong sumita kay Raul kung bakit palaging ulam nito ay tuyo at itlog.

Nahihiya man si Raul ito ay kanyang sinagot at sinabi niya sa kanyang team leader at sa lahat na may binabayaran siya sa kanilang bahay.

Ngunit sa kabila ng kanyang sinabi ay patuloy pa rin ang pangungutya sa kanya ng kanyang mga katrabaho.

Makalipas ang halos isang linggo ay napansin ng team leader na si Reah na hindi na pumapasok si Raul simula ng ito ay kanilang pagtawanan at tanungin.

Ngunit isang gabi, lahat ng team leader ng ng kanilang pabrika ay ipinatawag ng kanilang manager upang i-anunsyo ang bagong supervisor na itatalaga sa departamento ni Reah.

Maya-maya lang ay biglang pumasok ang isang lalaki na may suot lamang ng simpleng damit ngunit kitang-kita dito na ito ay mamahalin.

Nagulat ang lahat lalo na di Reah ng makita niyang si Raul ang kanilang magiging bagong supervisor.

Agad nakaramdam ng takot ang team leader na si Reah dahil sa kanilang ginawang pangungutya noon kay Raul.

Humingi naman agad ng paumanhin si Reah sa bagong supervisor, Ito ay nginitian lamang ni Raul at sinabing sana ay magsilbing aral ito na huwag agad manghuhusga ng kapwa.

Napag-alaman na si Raul pala ay isang working student, Kaya naman pala siya ay sobrang nagtitipid para masuportahan ang kanyang pag-aaral.

Nang si Raul ay ipakilala na sa iba pang empleyado bilang supervisor ay hiyang-hiya ang kanyang dating mga kasamahan sa ipinakita nilang ugali noon kay Raul.

Kaya naman para sa lahat sana ay maging aral ito, may kasabihan nga tayo na “dont judge a book by its cover”.

Hindi lahat ay nakikita ng ating mata dapat ay alamin muna natin ang tunay na kwento bago tayo magsalita dahil baka balang araw ay bumalik lahat sa atin ang ginagawa nating panghuhusga sa iba.