Ang pagtulong ng isang tao ay wala sa estado ng buhay hindi ito nasusukat kung mayaman ka man o mahirap, ang mahalaga ay buong pusø kang tumutulong sa ibang mga nangangailangan at paniguradong makakapagbigay ka ng saya at insipirasyon sa iba.

Katulad ng kwento ito ng isang matandang may kapansanan na hinahangaan ngayon ng mga netizen dahil sa ginawa nitong kabutihan.

Napag-alaman na ang matandang may kapansanan ay nanlilimos sa lansangan at hindi ito nagdadalawang isip na ibigay ang lahat ng kanyang nalimos sa Simbahan.

 

Nakilala ang matandang Lalaki na si Mang Romy, isang Person with Disåbîlity (PWD).

Hindi siya nagdalawang isip i-donate ang naipon niyang pera na nagkakahalaga ng P6,000 sa isang simbahan sa Antipolo City, kahit na hirap siya estado ng kanyang pamumuhay ay bukal sa kanyang pusø na ibigay ang kanyang ipon.

Dagdag pa sa pagbibigay ni Mang Romy sa Simbahan ng tulong ay napag-alaman na nag paabot din ito ng tulong sa mga taong naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Narito naman ang kabuuang post ng kwento ni Mang Romy na ibinahagi ng Netizen na si Jazz Pher Justo,

“Hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa. Si Mang Romy na isang PWD (Strøke Patient) last month nagtungo sa Cityhall ng Marikina para personal iabot ang kanyang naipon sa palilimos na 12,000+ tulong nya ito sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses.


Ngayon naman po nag donate po siya sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan Antipolo City ng mga naipon din niya sa palilimos na nagkaka halagang 6k.

Si Mang Romy ay umattend ng Simbang Gabi at personal din nya ibinigay sa Pari ang kanyang mga naipon galing sa palilimos.

Kahanga hanga po talaga si Mang Romy kahit po meron siyang karamdaman at hirap din sa buhay ay patuloy parin ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa.”

Talagang kahanga-hanga ang ginawang kabayanihan at kabutihan dito ni Mang Romy dahil sa kabila ng kanyang katayuan sa buhay ay hindi ito naging hadlang sa kanya na tumulong sa taong mga nangangailangan, naway balang araw ay bumalik sa kanya ang lahat ng ginagawa niyang kabutihan sa kanyang Kapwa. Mabuhay ka Mang Romy!