Marami tayong nakikita sa mga kalsada at lansangan na mga taong walang tirahan at tanging sa panghihingi lamang ang kanilang paraan para mabuhay.

Sila ang mga taong dahil sa sobrang kahirapan at kawalan ng suporta sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan ay napipilitan manlimos.

At ang kanilang mga nalilimos ay ibinibili nila ng kanilang mga pagkain ngunit mayroon din naman na imbis na ipambili ng pagkain ay ipinambibisyo pa ang mga ito.

Samantala, Mayroong isang lalaki na kahanga-hanga ang ginawa sa kanyang mga napaglimusan imbis na ipambisyo ay nag-ipon ito nagplano ito kung saan niya gagamitin ang nakolektang pera.

Sigurado na kayo ay magugulat dahil ang lalaking ito ay nakaipon sa panlilimos ng malaking pera at nakapag pundar ng sarili niyang motor ito ay dahil sa mga barya-baryang binibigay sa kanya ng mga tao na hindi naman niya kakilala.

Dahil dito tila naging instant celebrity ang lalaki matapos mapag-usapan sa social media ang kanyang kwento at larawan.

Makikita din naman sa larawan na ito kugn saan siya ay kinukuhanan ng mga litrato habang hawak-hawak ang mga papeles at titulo ng kanyang bagong biling sasakyan.

Sa ipinost ng Netizen na si Hannah Nicole Febra makikita ang isang larawan ng motor umano ng lalaking pulubi at may caption na
“Isang Hamak lang na pulubi!! Pero nakabili ng motor! Dahil lang sa paghingi-hingi niya ng teg lilimang piso!!”

Maraming netizens naman ang bumilib sa ginawa ng Lalaki matapos mabasa nila ang istorya nito na sa kabila ng kahirapan at estado ng kanyang buhay ay nagawa parin niyang dumiskarte at magsumikap.

Kaya naman maging inspirasyon sana to sa lahat ng kahit ano pang estado ng ating buhay ay mararating natin ang lahat at gusto natin ang kailangan lang ay magsumikap at huwag sumuko sa pangarap.