Wala nga namang lihim na hindi nabubunyag. Ngunit sa mga paraang hindi natin inaasahan ay bigla na lamang bubungad ang mga surpresa na tila nakakapigil hininga.

Walang masama sa pagtatago o pag- iipon ng pera lalo na at galing ito sa sarili mong pinaghirapan at bulsa. Maaaring ang perang ito ay mayroong pag gagamitang importante o mayroon kang nais bilhin na iyon pang pinag iipunan o kaya man ay para na din sa mga biglaang bayarin.

Hindi inaasahan ng pamilyang ito ay sikretong nabunyag matapos ng simpleng aksidenteng nabasag ng kanilang anak ang isang malaking banga. Laking gulat nila nang makita ang limpak limpak nap era na nakapaloob dito.

Magkahalong emosyon ang naramdaman ng ina ng tahanan nang masaksihan ang lahat ng ito. isang ordinaryong araw habang nag stretching ang kaniyang anak sa sala habang siya naman ay nakaupo sa kama.

Hindi sinasadyang natamaan ang display vase ng kaniyang anak. Nang marinig ito ng ina, agad niya itong tinakbo mula sa kwarto pababa ng kanilang sala.

Tumigil ng saglit ang kanilang mundo nang makitang nakasaboy ang mga perang papel sa lapag. Tinext niya ang kaniyang asawa at pinauwi sa bahay.

Inakala ng mister na mayroong emergency na nangyari ngunit huli na ang lahat upang pagtakpan oa niya ang kaniyang itinatagong lihim.

“I saved this money from eating bihun. I don’t know what to feel now” saad ng mister.

Higit 13 taong inipon ni mister ang mga iyon. Buong araw ang iginugol ni misis sa pagbibilang ng mga ito at napag alamang pumelo na ito sa 5,000 Yuan o P 35,312.