Tayong mga Pilipino ay tunay nga namang malalapit kesyo pamilya, kaibigan, o kapit bahay pa yan.

Isa sa pinaka binibigyang importansya natin ay ating mga minamahal na lolo at lola. Bukod sa ating tunay na magulang, sila ang katuwang upang maging maayos ang pagpapalaki sa atin.

Maraming netizens ang natuwa at nagviral na isang video post sa Facebook. Ito ay ibinahagi ni Vergara Sherelyn Atienza.

Di maitatanggi na kumalat na nga ito pagkat may roon nang 7.2k reactions at 1.9k shares na ang naturang video. Ang video na ito ay tila bang kitang kita sa kanila kung paano nila mahalin ang kanilang lola.

Sabi niya sa caption, “Kakaibang surpresa para kay mama. Successful family surprise for our beloved lola! We love you so much mama”

Bilang paunang pagbati, inawitan nila ang kanilang lolang si Bhaby Mila Malabanan ng sikat na sikay na awiting “Happy Birthday”saka inilabas ang kanilang munting regalo para sakaniya.

Maririnig ang mga katuwaan at hiyawan habang binubuksan niya ang regalo kaya naman bakas sa mukha ni lola Bhaby ang kaniyang excitement at curiosity sa kung ano man ang laman ng regalong ito.

Tuwang tuwa siya nang makitang ang laman nito ay paying. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang surpresa, dahil pag bukas niya rito ay tila ba inulin siya ng pera at sinalo ng kaniyang mahiwagang paying na may tig P20, P50, P100, P500 at P1,000 na pera

Salamat nang maraming marami. Sana marami pang birthday akong dumating. Pero matanda na ako eh. Baka apat na birthday na lang,” sabi niya. “Salamat. Happy New Year sa lahat.” Laking pasasalamat ni Lola Bhaby.