Tayong mga Pilipino, likas sa atin ang magmahal at magbigay. An gating mga kasambahay o empleyado ay itinuturing na nating pamilya.

Hindi natin binabase sa dugo, apelido o kung ano mang basehan upang masabi lang na ikaw ay kabilang sa isang pamilya.

Bilang isang negosyante o amo, nararapat lang na marunong kang makihalubilo sa kahit na sino. Kaibigan, pamilya o empleyado.

Hindi magiging matagumpay ang iyong negosyo kung parati ka lang nakatanggap. Dapat matuto din tayong magbigay.

Kagaya na lamang ng isang amo na ito na may ari ng isang tindahan ng mga footwear. Mayroon siyang surpresang inihanda oara sa kaniyang empleyado bilang regalo sa pasko.

Wari ng amo sa kaniyang Facebook post ay“Greatest Asset” nga naman daw niya ang kaniyang negosyo ay ang kaniyang mga empleyado. Hindi nga naman porke ikaw ang amo ay palagi na lang ikaw ang bibigyan ng importansya. Ganon din ang iyong mga empleyado at syempre mga costumers.

“How to treat your employees right? For me, one of my greatest assets ay mga tao ko. Kung business–minded ka dapat you also mind your people, bigyan mo rin sila ng importansiya.

Tao rin sila, napapagod, they also need time and attention. And most specially, ipakita mo sa kanila ang value nila sa iyo,” ayon sa caption ng post.

Dagdag pa niya, “If you take care of employees, they will take care of your customers and your business will take care of itself. Salamat mga magigiting kong sundalo!”

Tila bang hindi matigil sa pag ngiti ang kaniyang dalawang empleyado nang binilhan niya ito ng mga smartphones. Pati ang mga netizens ay napangiti dahil sa mabuting puso ng among ito.

Ayon sa isa, “Giving importance to your employees because of their hard work will give you assurance to their loyalty and dedication to their job. Hard working employees deserved to be treated that way. May God bless you and your business sir.”

Pagbati naman ng isa, “Sana lahat ng amo katulad ninyo na binibigyan ng pansin ang mga trabador nila. Salute sa’yo sir!”