Mag- ama na hindi pinahintulutang sumakay ng Bus, nilakad ang 459 kilometrong layo mula Surigao hanggang Davao Del Sur upang saklolohan ang isa pang anak.

Nakakapanlumong mabalitaan na ang mag-amang ito upang makauwi sa Davao del Sur mula Surigao dahil gusto nitong makita ang isa pang anak na sinasaktan daw ng kanyang misis sa Bansalan, Davao del Sur.

Ibinahagi ng isang netizen na si Danilo Calzadora sa social media na nakita niya ang mag- amang ito sa Panabo City.

Nakilala ang ama na tinutukoy bilang Tatay Reynante Quintos. Kwento niya, kulang daw ang papeles na kinakailangan kagaya ng travel authority at medical certificate upang makapag byahe kaya naman hindi sila pinahintulutang sumakay sa bus mula Surigao pauwi sa kanilang lugar sa Bansalan.

Dahil na nga sa narinig na balita ni Tatay Reynante na sinasaktan o binubugbog umano ng kanyang asawa ang isa niya pang anak sa bahay nito sa Bansalan, agad siyang gumawa ng paraan upang sumaklolo ay makauwi kasama ng kaniyang anak.

Tiniis ng mag- amang ito ang init at lamig. Umaraw man o umulan ay patuloy pa din ang kanilang paglalakbay.

Bilang tulong ni Danilo sa mag- ama, binigyan niya ito ng kaunting pera upang makapag pagawa ng maliit na kariton na maaari nilang magamit sa paglalakbay at maaaring mapagpahingahan.

Saad ng mga netizens na nagkomento, sana raw ay tinulungan man lang sila ng local na pamahalaan upang mas naging ligtas ang kanilang pag- uwi mas naging mabilis ang pagsaklolo sa isa pang bata.