Mahalaga ang marunong kang mag ipon o magtipid. Dahil kung mayroon kang ipong pera, mayroon ka ding magagamit na pang gastos sa oras ng mga emergencies.

Ang pag- iipon ay may kaniya kaniyang diskarteng ginagawa. Ang paglaki at pagbilis ng pag iipon ay nakadepende sa kung paano mo disiplinahin ang iyong sarili.

Ganoon na lamang ang ginawa ng mag nobya at mag nobyo na sina Yona Abela at Kit Cunanan. Kasabay ng paglago ng kanilang pagmamahal ay ang paglago din ng kanilang iniipong pera.

Ayon sa kanila, isa daw sa kanilang Relationship Goals ay ang makapag ipon ng kanilang sariling pera.

Ang kanilang target amount ay 1 million. Kung iyong iisipin ay medyo malabo itong mangyari ngunit dahil sa kanilang disiplina sa sarili at pagiging committed sa binitawang pangako ay naging posible ito at naging inspirasyon para sa lahat.

Isa pa sa nakakamangha ay imbis na mga papel na pera ang kanilang nililikom, ang mga natitirang barya ang kanilang inihuhulog upang magkaroon naman daw ng kaunting thrill ang naturang ipon challenge.

Katwiran naman din ni Yona, kung wala ang mga baryang ito sa kanilang bulsa, hindi din naman magiging posible na makabuo ng isang milyon

Madaming netizens ang nainspire sa kanilang dalawa. Ang iba nga ay napa “ sana all” na lang talaga.