Sa ating bansang Pilipinas ay talaga naman na napakarami nating ipagmamalaking likas na yaman tulad na lamang ng mga lumang bahay sa Vigan, Mayon Volcano sa Bicol at syempre ang Underground River sa Palawan.

Talaga naman na masasabing isa ang Pilipinas sa mga pinagpalang bansa na magkaroon ng mga magagandang tanawin.

Samantala, dumako naman tayo sa mga magagandang lugar na sa ibang bansa makikita tulad nalamang ng mga ito na talagang mapapanganga ka sa ganda at hindi nakakasawang pagmasdan dahil sa aking ganda nito na mala paraiso.

Ang paraisong ito na makikita sa larawan ay natuklasan ng isang magsasaka taong 1991 na matatagpuan sa loob ng isang kuweba sa bansang Vietnam.

Itong lugar na ito ay tinatawag na Phon Nga-ke Bag National Park.

Ayon sa magsasaka habang siya ay naglalakad sa naturang lugar ay napansin nitong may dumadaloy na tubig na nagmumula sa loob ng kuweba.

Kaya naman ito at kanyang sinundan at sa kanyang pagsunod ay bumungad ang ganitong kagandang lugar.

Ang kuweba na sinasabi ay kilala sa tawag na ‘Son Doong’ na ang kahulugan sa Ingles ay “water cave”.

Simula naman ng ito ay matuklasan agad-agad dinumog ito ng mga mananaliksik para suriin ang lugar na ito.

Ayon sa mga researchers ay hindi sila makapaniwala na mayroon ganito na nagtataglay na ganitong lugar na mala-paraiso.

Sa loob ng nasabing kuweba mayroon itong lawa at mayroon din ibat-ibang species ng mga halaman at faunas. Mayroon din ditong naninirahan na mga organismo dahil sa mahalumigmig na hangin sa loob ng kuweba.

Ayon pa sa mga researchers o mananaliksi ay kakaiba talaga ang lugar na ito dahil angking ganda nito na napaka natural.

Dagdag pa nila na isang hindi makakalimutang ekspireyensa daw ang mararanasan kapag napuntahan ang loob ng kuweba na ito.

Kaya naman para sa atin ang ganito kagandang Lugar ay bigay sa ating ng Lumikha, Kaya naman dapat lamang natin itong pangalagaan at wag sisirain.

Swerte tayo dahil binigyan tayo ng ganito kagandang lugar kaya matuto tayo magpasalamat sa taas na nagbigay nito.

Ang dapat lang natin gawin ay alagaan at preserbahin ang mga ganitong pamana ng kalikasan.