Marami sa atin ang nag-iibang bansa para doon magtrabaho dahil alam naman natin na mas malaki ang kita, ang iba naman ay naghahanap ng magiging asawang dayuhan na mayaman para makaraos sa hirap.

Ngunit hindi lingid sa ating na hindi lahat ay malinis ang intensyon mayroon parin iba na sinasamantala ang mga dayuhan para magkaperahan at pagkatapos ay iiwan nalang.

Tulad na lang nito, Kailan lang ay nanawagan ng tulong sa social media ang isang netizen na mula sa Laguna tungkol sa isang dayuhan na iniwan umano ng naging karelasyon nito na Pilipina matapos tangayin ang mga pera nito.

Ayon sa post ng netizen na may username na Sandrix Lita, kinilala umano ang foreigner na si Arthur Ernest isang dayuha nmula London at kasalukuyan umano itong nasa Halang Canlalay Biñan, Laguna at walang bahay at pagala-gala lamang.

Ang dayuhang si Ernest ay natutulog na lang daw sa ilalim ng puno na tabi ng covered court sa nasabing lugar. Mabuti na nga lang daw kahit papaano ay may mga tao na kapag siya ay nadadaan ay nagaabot ng pagkain o pera.

Minsan pa nga daw ay may nagbibigay kay Ernest ng mga bigas ngunit dahil wala siyang kalan at hindi niya rin ito mapapakinabangan ito ay kanya na lang ibinibigay sa iba.

Dagdag pa dito bukod sa walang tirahan at pagala-gala lang ay may iniinda rin sakit na Diabetes ang dayuhan.

Sa kabila ng nangyari sa kanya dito sa Pilipinas siya ay nagpapasalamat pa din at natutuwa dahil sa mga taong sa kanya ay tumutulong.

“Mabait po sya kahit niloko sya ng asawa nya ay natutuwa pa rin sya sa mga Pilipino dahil matulungin daw tayong mga Pinoy, sa kabila ng ininda nyang sakit na diabetes, masayahin pa rin sya…”

“Tuwing umaga po nakatambay sya sa harap ng gasolinahan ng irenevill. Paki Share na lang po para matulungan ng kinauukulan at makarating kay idol Raffy Tulfo.” Pahayag sa post ni Sandrix.

Isa si Ernest sa mga dayuhan na nakaranas na lokohin ng ibang mapagsamantala. Matapos talikuran ang buhay sa sariling bansa at makipagsapalaran kasama ang babae na akala`y magiging kasama hanggang pagtanda ay siya palang sisira sa kanyang buhay.

Katulad ng isa pang dayuhan na si Holger Solager mula sa Denmark. Ayon sa post ng netizen na si Judy Ann CInco, si Holger ay nagtungo dito sa Pilipinas upang pakasalan ang Pinay na girlfriend, ngunit makalipas lang daw ang halos isang taon inubos umano ng babae ang pera ng dayuhan at saka ito iniwan.

“pumunta sya dito sa Pinas upang pakasalan ang Pinay pero makalipas lamang ang isang taon, inubos ng pinay lahat ng pera nitong foreigner at iniwan sya, may pinapagawa pa itong foreigner na bahay pero kalaunan nalaman nyang hindi nakapangalan sa kanya ang bahay tapos pinalayas pa daw sya ng pinay, taga North Cotabato daw yung pinay na napangasawa nya, apat na araw na po syang stranded sa Airport dahil wala syang Swab Test at Travel Pass, wala na rin syang kapera-pera kahit piso kaya naiwan sya ng flight nya pauwing Denmark” Ayon sa post ni Judy.

Ayon kay Holger nagtungo na din siya sa Embassy at sinubukang humingi ng tulong, ngunit imbes na tulungan ay pinalabas lang daw ito sa ngayon ay tanging sa kalsada lamang natutulog ang dayuhan.

Kwento pa ng isang Netizen, may mga kabataan daw na nag-alok ng tulong kay Holger pinagamit pa raw ito ng Tablet para umano makausap nito ang mga kamag-anak na nasa bansang Denmark. Ngunit sa kasamaang palad ay nais lamang palang lokohin at nakawan ng mga ito ang dayuhan.

“sa ngayon andun pa rin sya sa Airport naghihintay na may tumulong sa kanya, paki Share na lang po para makarating kay idol Raffy Tulfo at sa ating kinauukulan.” Dagdag ni Judy.

Sana`y matulungan ang mga dayuhan na ito na pinili ang ating bansa upang dito manirahan ngunit imbes na suklian ng kabutihan ay may mga taong mapagsamantala at nagawang lokohin ang mga ito.